Saturday, March 21, 2009
Lorna Tolentino shares HOPE with the Wings of the Soul Album
Dadalhin tayo sa bagong direksyon ng H.O.P.E. (Healing of Pain and Enlightenment) volume two via Lorna Tolentino sa ‘Wings Of The Soul’ na pinrodyus ni Pinky Tobiano at line-produced naman ng Star Records sa tulong ni Philip Cu-Unjieng.
Pagkatapos ng matagumpay na H.O.P.E. album volume one kung saan nagkamit pa ito ng gold record award, ang Wings of the Soul ay may kakaibang tema naman. Ito ay ang acceptance, healing, surrendering at moving on. Kumakatawan si Lorna Tolentino sa mga taong humaharap sa masakit na katotohanan na ang mahal nila sa buhay ay may kanser.
Katulad ng naunang volume, ang sales ng Wings of the Soul ay mapupunta sa ilang beneficiaries: ang Pinky cares Foundation at ang Rudy Fernandez Cancer Foundation, Inc.
Ang mga artists na nag-participate sa nasabing album ay may espesyal na rason kung bakit sila ang napili at ang mga awit naman ay may kanya-kanyang kahulugan. Ang mga artists na sina Sharon Cuneta (Special Memory), Tirso Cruz III (Awit Ni Daboy), Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla, and Philip Salvador (Doon Lang), Christopher De Leon, Bobot Mortiz and Ricky Davao (Stand By Me featuring Bodie Cruz), Aga Muhlach (Let it Be), Gary Valenciano (Ikaw Lamang), Piolo Pascual (I’ll Be There For You/I will Be here) and Jamie Rivera (My Life Is In Your Hands) ay ginawa ang album na ito for the love of Lorna at Rudy Fernandez kaya naman hindi sila nagpabayad para sa project na ito.
Bukod sa mga nabanggit na awitin, may narration din na maririnig mula kay Lorna sa CD. Ang prologue at epilogue ay parehong isinulat ni Ms. Bibeth Orteza.
Hayaang musika ang tumulong maghilom sa inyong kalungkutan at pangungulila. Available na sa lahat ng record bars nationwide, pinrodyus ni Pinky Tobiano at line produced ng Star Records.
No comments:
Post a Comment