Sunday, February 15, 2009
MRT extension project
Sa mga kagaya kong nanggagaling sa north at nagtratrabaho sa Quezon City or papunta pang south siguradong hindi ninyo mami-miss ang traffic papasok man o pauwi dahil sa construction na nagaganap sa gitna ng EDSA dahil ito ay ginagawa na ang extension ng MRT hanggang Monumento para madikit sa LRT Monumento Station katulad nang sa banding Taft Avenue na kung saan magkadikit ang LRT at MRT.
Sigurado pag nagawa ito mas mapapadali ang byahe ng mga tao papunta sa kanilang mga paaralan at opisina pero ang isa lang problema ay hihina naman ang kita ng mga public transportation na nakasanayan nating sakyan ang bus, jeep, at taxi na ang rutang dinadaanan ay mula monumento papuntang EDSA.
Pero di lahat ay mag-agree sa sinabi dahil ang karaniwang rason ng iba e ang nakaka-nose bleed na globalization kasama na ang mga sanga sanga nito.
1 comment:
I so can relate to this post. I mean, nakakarating ako sa you-know-where in 45 mins. As if malayo ang Caloocan sa you-know-where.
Eto ang napansin ko sa mga buses ng Manila---rumaragasa (dahil mababait ang buses from Cavite LOL). Parang papatay ng tao--sa labas at sa loob. Pag airconditioned, uber bagal magpatakbo. Pag ordinary, parang bubugbugin ka sa usok at sa pasa.
Not to mention, nag-aagawan sa pasahero.
I wonder kung itutuloy pa nila ang MRT Dasma extension. Tagal na ang widening project dito sa min (including SM Bacoor relocation) pero hanggang ngayon, tsismis pa rin.
Post a Comment