Sa harap ng isang malaking hamon pang-finacial, ang tanging hiling ko lang hindi man maging masagana ang bawat mesa ngayong Pasko, hindi man ganun kamahal ang regalo at mga kasuotan natin sa Noche Buena. At umuwi man ang ilan sa ating mga kababayang OFW dahil sa pagkakatanggal sa kanila sa kanilang mga trabaho at gayun din sa mga narito sa Pilipinas, ay nawa’y hindi mapawi ang mga ngiti sa ating mga labi kahit sa mga suliraning pinagdadaanan natin at gawin natin itong inspirasyon sa bawat pagtayo natin sa ating pagkakadapa at magpatuloy sa ating mga nasimulan. Nawa’y ngayong Pasko ang tangi kong dalangin ay katuparan ng dalangin ng bawat isang makakabuti sa ating mga sarili at sa ating kapwa. Pagpapala sa bawat tahanan, kalusugan at kapayapaan, salat man tayo sa pisikal na kagamitan ay umaapaw naman ang kaligayahan at pagmamahal sa ating mga puso.
Sa mga kababayan nating OFW at sa mga may trabaho sa araw ng Pasko malayo man kayo sa inyong mga pamilya nawa’y patuloy nating isipin ang dahilan ng pagtratrabaho natin sa ibang bansa at ang kabutihan nito sa ating mga pamilya, sawa ang bawat sakripisyo ay magsilbing inspirasyong magpapatatag pa sa bawat isa at magpatuloy ng sa inyong pagsusumikap sa banyagang lupain.
Muli maging isang mapagpala at masayang Pasko sa lahat nawa’y huwag natin kalimutan ang totoong kadahilan ng araw na ito, ang araw na pagsilang ng ating Tagapagligtas.
Image courtesy of Religions and Spiritualities Guide
Subscribe to Email Blast
No comments:
Post a Comment