May Himala at ito ay dapat ipagdiwang ng Pilipinas lalo na ng Industriya ng Pelikula sa bansa na kung saan nagwagi ang Himala sa 2008 CNN Asia Pacific Screen Awards Viewers Choice Award for Best Asia-Pacific Film of all Time na ginampanan ni Nora Aunor noong 19892 sa panulat ni Ricky Lee at direksyon ni Ishmael Bernal.
Ang Himala o Miracle (international title) ay nagmula sa isang pangyayari na naganap noong 1976. Ito ay kwento ng isang babaeng nagngangalang Elsa na taga Cupang at nag-claim na nakikita niya ang Birhen Maria at nakakapagpagaling siya, pero sa kabila nito ay ginawang negosyo ng ilang kamag anak at kaibigan ni Elsa ang insedenteng ito para pagkakitaan ng pera mula sa abuloy hanggang sa mga binasbasang mga tubig, langis at kandila. Lahat ay naniwala maliban kay Orlie isang filmmaker na kung saan sinundan niya at inimbetigahan si Elsa at ang mga kasama niya hanggang dumating ang hindi sa inaasang na-rape si Elsa at ang kaibigan nitong si Chayong, lahat ay nakunan ni Orlie ngunit hindi niya nilabas ito sa publiko. Si Chayong ay nagpakamatay dahil sa nangyari maliban kay Elsa na ipinagbuntis niya ang bunga ng rape at pinaniwalaan itong Immaculate Conception ng mga tagasuporta niya. Pero sa huli inamin ni Elsa na walang himalang nagaganap sa kanya at walang birheng nagpapakita sa kanya at ang lahat ay pawang gawa gawa lang niya at mula sa napakaraming taong nakikinig sa kanya ay may bumaril sa kanya na nagdulot na rin sa pagkamatay niya habang kasama niya ang kanyang ina patungong ospital.
Nakilala ang obra na ito dahil sa linyang Walang Himala! Ang himala ay nasa puso ng tao... ang himala ay nasa puso nating lahat." na kung saan naging word of mouth na ng iilan mula sa seryosong usapan at mga katatawanang kwento para sa iba.
Ang pelikulang ito ay nagwagi sa mga ilang awards sa loob at labas ng bansa tulad ng Best Picture sa Metro Manila Film Festival noong 1982, at Catholic Mass Media Award naman noong 1983. At nagkaroon naman ng mga nominasyon sa mga international award tulad ng Berlin International Film Festival (1983), Chicago International Film Festival (1983), at ngayong November 11, 2008 tinanghal ang Himala bilang CNN Asia Pacific Screen Awards Viewers Choice Award for Best Asia-Pacific Film of all Time.
Subscribe to Email Blast
No comments:
Post a Comment