Tuesday, November 11, 2008

Binay running for 2010 Philippine Election?



If USA has Obama, Binay ba ang sa Pilipinas?

Tatakbo sa 2010, ito ang anunsyo ni Makati Mayor Jejomar Binay sa kanyang ika-66 Birthday Celebration na ginanap sa Makati City Hall, na kung saan naglingkod si Binay sa loob ng 19 years bilang mayor ng Makati at matatapos ang kanyang termino sa 2010.

Ayon sa kanya kung tatakbo ang dating pangulong Erap Estrada ay tatakbo mag-gigive way siya. Pero siniguro niya na tatakbo siya kahit may mga ibang oposisyon ang kakandidato para sa pagkapangulo.

Ang bottom line dito nangangamoy eleksyon na naman at marami na naman ang nag nanais tumakbo para sa mga posisyon ang sa akin lang maging makilatis tayo sa mga iboboto natin. Kung ikukumpara natin ang eleksyon sa USA, malayo pa rin tayo at wala sa kalingkingan ng mga policy nila sa pagkandidato, eleksyon, kampanya at pagboto. Tulad nga ng sinabi sa Ibon Foundation Lecture last November 7, kung nais nating magkaroon ng kagaya sa USA na American Dream ay magkaroon tayo ng pagkilatis sa mga iuupo natin sa posisyon. Ang sa akin lang sana magkaroon tayo ng policy para sa mga kakandidato at yun ay i-limit lang ang dami ng tatakbo sa pagkapangulo, at ang tao ang magdedecide kung sino ang tatakbo sa mga partido tulad ng sa USA Republican at Democrat. Panaginip nga lang ang ideya na ito pero malay natin magkaroon ng unti unting pagbabago sa sistema ng pulitika at eleksyon sa bansa at hindi yung parang palengke na ang daming paninda at magulo.




Subscribe to Email Blast






No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles