Tuesday, May 20, 2008

Pagpupugay at Paalam Ka Bel!

Nagulat ako pagkatapos sabihin ng isang co-blogger ko ang balita tungkol sa pagdala sa ospital ng isa sa mga hinahangaan kong political figure sa panahong ito, si Crispin "Ka Beltran" Beltran na dating Anakpawis Representative.

Naaksidente si Ka Beltran mula sa pagkakahulog nito mula sa kanilang bubungan kaninang umaga na nagresulta sa pagkatama ng kanyang ulo sa semento gayon din sa cardiac arrest ngunit sa pagdating nito sa Far Eastern University Hospital ay naiannounce na itong brain dead at nagdecide na rin ang pamilya nitong hindi na resuscitate si Ka Bel, at sa ganap na 11:58am ay idineklara nang patay na si Ka Beltran.

Si Ka Beltran ay isa sa mga miyembro ng Kongresso na naospital arrest noong kainitan ng paglaban nila kay President Gloria Macapagal Arroyo sa kasong rebelyon kasama ang iba pang mga kongresista. Si Ka Bel ay yumao sa edad na 75. Isang pagpupugay at pamamaalam sa isang labor leader at tapat sa paglilingkod sa bayan.





Subscribe to Email Blast

1 comment:

Pasyon, Emmanuel C. said...

yep, ka bel is a great loss to the philippine labor movement.

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles