Monday, March 17, 2008

Haaaay School (Bukol) Lyf

Marunong din ako mag cut class at maglakwatsa....

Ilang taon na rin akong nag goodbye sa mga seatworks, assignments at graded recitations pero yung ilang taon na yun di naman puro mga hard core academician ang gawain ko nakakabored din naman kasi ang araw araw kang nakaupo at nagbubutas ka ng bangko habang nakikinig ka sa teacher mong walang inatupad kundi mag kwento ng di matuloy tuloy niyang love affair sa isang prof sa kabilang school at nananalangin kang wish ko lang matapos na itong penetensya mo na binigyan ka ng prof na sumira sa pangako mong mag aaral na ako ng mabuti.

Maruning din ako mabored at mabato kaya expect me na laman ng mall hoping na may magandang movie o di blockbuster ang tambayan ko sa dami ng mga nagcucut class kagaya ko. Maraming kalokohan din naman akong nagawa bukod sa cut class at yan ay mangopya ng assignments at mangransak ng baon ng may baon, pero kagit paano good boy naman ako gumagawa ako ng project at assignment pero isa lang ang gusto ko ayaw ko ng grouping o may kapartner sa reporting at kahit anong project lalo na sa mga kaklase mong tamad sobra gusto ko ibitin ipatiwarik yun sa puno ng mangga kung saan may mga malalaking laggam para magtino at tumulong sa project.

Marso na naman ang karaniwang mga taong na naririni ko noon ay: "Pasado ka ba o pasang awa?", "Marmamatsa ka ba?" at ang walang kamatayan na "Sasabihin ko ba kay nanay na bagsak ako?" awa naman ng Diyos di naman ako nagtanong ng ganyan sa sarili ko dahil ayaw ko naman pasakitin ng ulo ang mga magulang ko alam ko naman hirap nila sa pag papaaral sa akin naks! Pero ang nakakatawa lang di nila alam ay present ako sa mga rally dati bukod sa pagiging part ko ng student paper. Mula sa Oust Erap rally ng EDSA Dos hanggang tuition rally ng mga kapwa ko na estudyante kasama na rin ang mga pasaring na ano paki ko sa tuition e wala naman ako binabayaran at ano paki ko sa tuition kaya ko naman magbayad, yan ang usual pasaring ng mga hinayupak na mga estudyanteng walang ginawa kundi ang magtake ng mga subjects tulad ng Parlor 101 sa CR at ang paborito ng mga ibang kaklase ko ang Kickback 123 sa mga projects at tuition na hinihingi nila sa mga nanay nila, kawawang mga magulang nagkakakuba magtrabaho para lang mapag aral ang anak na ang di nila alam ay busy na busy sa Recto para magpagawa ng pekeng resibo, kung ako magulang ng mga yun tatapyasan ko na buhay ang mga yun dagdag pa ang pipigaan ko pa ng kalamansi ang mga sugat nila, parang gumagawa lang ng sisig.

Graduation month na sa mga magmamarch para kunin mga diploma nila congrats at nakatapos na kayo sa ilang taong utuan nyo ng mga prof nyo para pumasa kayo at makalayas sa mga school ninyo pero ang tanong sa ilang taong pagstay mo ba sa paaralan may maibabaon ka ba sa paglabas mo sa mas napakalaking kagubatan? Ang tanong ay kung honor students ka ba ilang percent ka makakasiguro na makakasurvive ka over sa mga kaklase mong walang nakuha noong graduation. Iba na ang labanan sa labas kahit naman ituro kung paano gumawa ng napakagandang resume o isang kang certified resume writer sigurado akong may edge ka sa pagkapasok pero ang tanong hanggang saan mo kakayanin ang hirap ng trabaho ngayong wala nang cut class at pakiusap na pwedeng next meeting na lang ang mga assignments at projects. At sa mga di pinalad sana next sem or year makatapos na kayo mas lumalaki na ang pagkawala ng chances mo na makapagtrabaho panget naman tignan na forever ka na lang na isiisip ng mga magulang mo hindi ba dapat sila naman na ang isipin mo bukod sa kung anong ireregalo mo sa syota mo dahil monthsarry nyo next week at kung puno ba ang computer center kung saan naglalaro ka ng Dota?

Isa lang natutunan ko noong nagtapos ako 4 years ago, at iyon ay hindi porket gawain mo makipagdebate at maging bida sa klase bida ka rin paglabas sa school mo sorry daig mo pa ang PBB dahil lahat kayo magkakakumpetensya sa pagpapapansin sa HR ng mga company na gusto mo pasukan. Kaya sa mga graduates goodluck at sa mga hindi pa magready na kayo dahil kung may terror prof ka sa school ano pa ang nasa labas ng paaralan mo.

Image courtesy of http://www.stonehousecollection.com/

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles