Friday, January 11, 2008
Philippines 2010: Handa ka na ba?
Ito ang unang entry ko patungkol sa 2010 presidential election ng Pinas. At sigurado akong sa dalawang taong mahigit pang natitira di ito mapipigilan ng Charter Change.
Naghahanda na ang Jeep ng Erap kung sino ang isasakay niya para ilaban sa 2010. Pero sa napakaraming gustong sumakay hanggang sa estribo siguradong punong puno. Sino mga ba ang talagang representative ng United Opposition? Mula sa unang paglabas ni Mar Roxas sa kanyang adhikaing tumakbo sa 2010 ay sinundan naman siya ni Manny Villar na gustong ipagpatuloy ang paglilingkod bilang isang pangulo. Pero makainlan lang lumabas ang ilang usap usapan na maaaring ampunin ang independent candidate noon at ngayong bise presidente na ng Pilipinas na si Kabayan Noli de Castro kasama ang governor ng Batangas na si Vilma Santos bilang pambato ng oposisyon sa 2010.
Ngunit sa kabilang banda ay may ilang nagsasabing imposibleng ampunin ng oposisying si Kabayan lalo na ngayong di pa siya nagpapahiwatig na ipagpatuloy ang kanyang paglilinkod at maging presidente ng bansa. At hindi rin imbitado sa oposisyon si Kabayan ayon kay Senadora Loren Legarda.
Sa kabilang banda, may ilang pangalang lumilitaw na maaaring magpatuloy ng laban ng administration, mula sa MMDA Chairman na si Bayani Fernando at miyembro ng kabinete ni PGMA.
Habang ang LAKAS ay isinusulong din ang tambalang Kabayan - Ate Vi o Kabayan - Bong pero hanggang ngayon ni isa sa mga nasabing napipisil ng LAKAS ay hindi pa nagpaparamdam ng anumang kagustuhan lumaban sa 2010.
Ang Sa Wari Ko: Napakahaba pa ang bibilangin buwan at araw para makarating sa pinakahihintay nating paghalal sa bagong mamamahala sa bansa ngunit ang sa akin lang ay may tatlo dalangin lang ako sa okasyong ito. Una matuloy ang eleksyon at walang mangyaring chacha na matagal ng usap usapan at sinusulong ng ilang nasa posisyon. Pangalawa nawa'y maayos na ang sistema ng eleksyon ba bansa at ang Pangatlo gaya ng sabi ng isang kaibigan sa twitter na ang hiling lang niya ay payamanin ang buong Pilipinas at hindi ang sariling bulsa.
1 comment:
medyo malayo pa naman ang eleksyon pero lahat yata ng sandata ng mga pulitiko ay iniisa-isa ng ikinakasa. wala naman akong pagtutol diyan basta ba ginagawa nila ng maayos ang kanilang mga trabaho. pero sa nakikita ko sa mga nangyayari sa ating bayan halos puro pulitika na lang ang inaatupag.
sana kung sino man ang mahalal bilang pinakamataas na pinuno ng ating bansa sa 2010 eleksyon mayroon naman tayong makitang pagbabago. ang pilipinas ay masyado nang napagiiwanan ng ating mga karatig bansa.
hindi lang sa eleksyon tayo dapat maging handa. pinoy maging handa rin tayo sa pagbabago!!!
Post a Comment