Saturday, December 8, 2007

Sana from the album Rosas ng Digma

Isipan ma’y napapagod din
Sa pag-iisip ng mga kataga
Na magsasalarawan ng
Tunay na nadarama ng puso ko

Ngunit nang ika’y dumating
Ang aking isipa’y biglang sumigla
Ang mga titik at himig
Ay tila di-mapigilang agos ng batis

Sana sa tuwina kapiling kita
Sa paglikha ng mga awit ng paglaya
Sana’y laging kasama kita
Sa pagsasalarawan ng buhay

Sana sa tuwina kapiling kita
Sa paglikha ng mga awit ng paglaya
Sana’y laging kasama kita
Bigyan natin ng kulay ang buhay

Dahil mithiin ay iisa
At ang katuparan
Nasa ating pagpapasya

Ang ibig ko lamang
Ay narito ka
Katuwang at kasama sa pagkilos

Dama ko ang lumbay at saya
Sa saliw ng aking gitarang dala
Hatid ay pag-ibig sa bayan
Na di-kailanman mapapantayan

Sana sa tuwina kapiling kita
Sa paglikha ng mga awit ng paglaya
Sana’y laging kasama kita
Sa pagsasalarawan ng buhay

Sana sa tuwina kapiling kita
Sa paglikha ng mga awit ng paglaya
Sana’y laging kasama kita
Bigyan natin ng kulay ang buhay

Sana sa tuwina kapiling kita





No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles