Mga simpleng kaligayahan ng mga batang puno ng pag asang nakikita natin lagi tuwing Pasko. Tatanggapin kung ano man ang ibigay sa kanila at susuklian ng ngiti, sayaw, yakap at halik. Minsan sa buhay natin ngayong tayo ay matatanda na, minsan hindi na tayo nakuntento kung ano man meron tayo at nakukuha natin. Minsan ang Pasko para sa iilan ay isang magarang handaan, na may mamahaling gamit at regalo, minsan nawawala na sa atin ang tunay na halaga ng Pasko. Minsan nalilimutan na natin ang diwa nito at napapalitan ng napakaraming kumplikado sa buhay.
Sana alalahanin natin na minsan ay may isinilang na hari at tagapagligtas sa isang simpleng sabsaban. Walang kayamanan, walang karangyahan, kundi isang simpleng tao lamang. Ito ang nalilimutan na natin, ang simpleng diwa ng Pasko, ang kapiling ang mga minamahal at nabubuhay na masaya, at ipagdiwang ang araw ng kapanganakan ng Tagapagligtas.
Nawa’y sagana man o tuyot ang handaan natin sa Pasko, ang tanging hiling ko lang ay manatiling buo, masaya at nag kakaisa ang bawat pamilya. At ang diwa ng Pasko na pag-ibig, pag-asa at pakikipagkapwa tao ay mamalagi sa bawat puso natin lahat.
Mapagpalang Pasko sa lahat lalo na sa mga Pinoy saan parte ng mundo!
Like this post? Subscribe on my blog by clicking HERE!
Become a Facebook Fan to get more updates from In My Opinion!
You can follow me on Twitter.com/FlowGalindez
No comments:
Post a Comment