According to Yahoo Answers ang ibig sabihin ng "No Approved Therapeutic Claims" ay wala itong kasiguraduhang makakagaling ito at para sa Bureau of Food and Drugs (BFAD) na kung saan nagbibigay ng classification sa mga gamot, ang mga nire-require nila na mag lagay ng ganitong sa mga TV ads at pakete ay ang mga na-classify nilang food supplements na hindi kagaya ng ibang gamot na makakatulong sa pag galing. Pero sa kabila ng mga classification na binibigay ng BFAD ay binabago ng media sa pamamagitan ng ads at marketing ang mga pananaw ng karamihan ng mga gumagamit nito at mga possible buyers at ito ang tinatawag na commercialism, o ang pamamaraan na kung saan magiging epektibo ang pagbenta ng product sa market at kabilang dito ang paggamit ng media platforms.
Sa lagay na ito malaki ang papel ng commercialism sa mga productong tulad nito dahil sa kabila ng mensaheng walang kasiguraduhang makakagaling ayon na rin sa BFAD ay nagiging mabili pa rin ito sa market lalo na sa drugstores dahil bukod sa mura kagaya ng mga generic drugs at over the counter lang din ito at hindi kailangan ng reseta. Bukod sa mga local food supplements at nakikinabang din sa advertising ang mga foriegn products lalo na ang mga "Made in China" na karaniwan nakikita natin sa mga Home TV Shopping. Most of the foreign products are whitening products, diet pills, enhancing supplements and others pero unlike sa mga local food supplements ang mga product na ito ay hindi karaniwan dumadaan sa BFAD, sa madaling salita ang iba rito ay health hazards o maaaring may side effects sa kalusugan. A warning was mentioned in article at the Inquirer.net at the Showbiz and Lifestyle section last 2008, checking the date it was published it shows that matagal nang na-raise ang discussion about the topic na ito pero maliban sa palagiang paglalagay ng No Approved Therapeutic Claims sa bawat commercials, label at mga packages ng mga produktong ito ay patuloy pa rin ang pagtangkilik ng mga Filipino sa kabila ng walang kasiguruhang makakatulong ito para malunasan ang mga sakit nila.
Malaki ang impact sa tao kapag napapanood nila ito sa television, naririnig nila sa radio, at nakikita sa internet, print ads at billboards. lalo na kapag ang mga ang mismong mga idolo o artista ang mga nag-e-endorse nito. Mas may dating ang commercial kapag artista dahil bukod sa may mga followers na ang mga ito na pwedeng ma-convert as buyers ay sila ang pumapangalawang "ina" o "ama" na karaniwang sinusunod ng mga Filipino dahil sa idea na "IDOL" dito pumapasok ang tinatawag na bandwagon campaign. Pangalawa naman na maaaring makakuha ng attention ng possible buyers ay ang testimonial advertising na kung saan either artista o ordinaryong tao ay magbibigay ng opinion at karanasan sa product na kadalasan malaki ang influence sa mga tao, dahil nakikita nila ang sarili nila sa mga ito. Ganito ang laro ng commercialism at malaki ang contribution nito on swaying the opinions and buying power ng mga tao kahit may mensahe na ito No Approved Therapeutic Claims na nakakabit sa dulo ng commercials at sa mga packages nito.
Isang malaking hamon para sa Department of Health (DOH) kung paano buburahin o i-re-reconstruct ang idea ng komersyalismo sa isip ng mga tao sa kabila ng mga suliranin na matataas na presyo ng gamot lalo na ng mga branded. Ito rin kasi ang dahilan kung bakit bumibili ang karamihang mga Pinoy ng food supplements at umaasang mapapagaling sila nito kaysa bumili ng gamot na nasa reseta nila dahil mahal ang mga ito. At para sa mga Pilipinong minsan ay tumatayong mga doktor ng sarili nilang katawan, hindi naman sa pakikialam, if nais natin gumaling hindi ba't nararapat komunsulta tayo sa mga totoong doktor at alamin kung ano ang dapat natin gawin at inumin. Hindi ko kinakalaban ang mga food supplements, ang nais ko lang isang maayos na paglilinaw hindi lang para sa akin kundi para sa lahat.
No comments:
Post a Comment