Tuesday, January 5, 2010

Maguindanao Massacre Videos plague Quiapo as Ampatuan pleads not guilty

Kung ang mga movies at TV series ang napipirata at napopost sa mga online streaming hindi rin pinatawad ang video ng Maguindanao Massacre na kung saan talamak na ang bentahan nito sa Quiapo at iba pang mga bentahan ng mga piniratang VCDs at DVDs. Dahil sa panyayaring ito nagproprotesta ang media at ang mga kamag anak ng mga napaslang dahil sa kawalan ng respeto sa mga biktima. Ang bawat VCD ay nagkakahalaga ngayon sa Quiapo ang ilan ay nasa ordinary CDs at nakalagay lang sa CD cases at walang mga covers habang ang iba naman ay binabandera sa mga cover ang mga larawan ng mga biktima na nilalaman din sa VCD na kung saan ang mga footages ay kuha sa unang araw ng investigation ng massacre sa Maguindanao. Kahapon, January 2, ay nagkaroon ng raid na kung saan ay kinumpiska ng bagong Optical Media Board Chairman na si Ronnie Ricketts ang mga VCDs at VCDs ng Maguindanao Massacre sa Quiapo pero sa kabila ng raid na ito ay wala na rin silang naabutan at hindi pa rin nila nakikita ang source. Bukod sa Quiapo at kumakalat na rin ang mga VCDs at DVDs nito sa General Santos City at Cotabato City

Habang ngayong January 5 ay isasagawa ang pagdinig sa multiple murder case kay Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr sa Police Non-Commision Officer Club House sa Camp Crame na ginawang court court. Nakataas ngayon ang security level sa Camp Crame at ang mga aattend ng hearing at kailangan dumaan sa tatlong check point bago sila tuluyang makapasok sa court room. Tanging tig-isang representative na lang sa bawat media group/company ang pinapayagan pumasok sa loob ng court room at tinanggal na ang screen sa labas ng court room para makapanood ang mga tao sa kadahilanang ayaw ng Department of Justice gamitin ito ng Ampatuan at prosecutor ang way na ito para tawaging trial by publictity. Dumating si Ampatuan sa Camp Crame kaninang umaga 6:30 am at nakatakdang mag umpisa ang hearing kaninang 8:30pm. Si Ampatuan ay may suot pa ring bullet proof vest at may mga kasamang mga police na nag aasist sa kanya na kung saan mula sa kanyang kulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) ay sumakay sila sa bullet proof van papuntang Camp Crame. Sa pagtatapos ng hearing sa araw na ito nag plead ng "Not Guity".

Blogger’s POV

Isa lang ang gusto nating lahat at iyon ay mabigyan ng hustisya ang naganap na Maguindanao Massacre at hanggang ngayon patuloy akong nakikiisa at umaasa sa pagkakaroon ng hustisyang ito sana hindi na lang tuluyang malimot ang pagkamatay ng mga journalist, human rights advocates at mga civilian. Matagal nang issue ang mga bagay na ito ang pamamaslang ng mga media men at human rights advocates gayon din ang political killings pero bakit hanggang ngayon hindi pa rin nalilinawan at usad pagong ang mga kasong kagaya nito?

Hindi ko rin maintindihan kung bakit talamak ang bentahan ng VCDs at DVDs ng Maguindanao Massacre, ito ba ay para saktan pa lalo ang mga pamilya ng mga pinatay o mas galitin ang mga tao para mas lalong magbantay o mamulat, pero ang iba maaring sabihin sa akin pinagkakakitaan lang nila iyon. Naalala ko ang mga kumalat na larawan sa RCBC Bank Robbery at ang video ng Canister operation sa Cebu. Babalik tayo sa usapin ng respeto at delikadesa marahil wala akong karapatan maghusga dahil sa huli ang mismong konsensya na lang natin ang gagawa nito para sa atin.

Bookmark and Share

Subscribe to RSSEmail Me
Buy Tickets on line: Calgary Flames Tickets, Spiderman Tickets, Nassau Coliseum Tickets




Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles