… new election problem arises
Sa May 10 na ang election dumating man ang machine na gagamitin sa election kahit na-delay ito ay sa January 25 pa nakatakdang mag print ng almost five million ballots pero hanggang ngayon hindi pa final ang listahan ng mga kandidatong ilalagay rito. Dahil ang mga ilang na-disqualified ay umaapila pa rin hanggang ngayon at may dalawang linggo na lang para mafinalize ito at maihabol sa printing ng ballots. Habang ang mga 80, 000 ballot boxes naman ay hindi pa nagagawa dahil hindi ito kasama sa automation contract pero ipapagawa pa rin ito sa Smartmatic International Corp. (Smartmatic) / Total Information Management Corporation (TIM) na siyang nag manufacture ng counting machine. At kulang din ang bilang ng mga tao ng COMELEC para sa voter’s education na kung saan mayroon na lang less than a month na lang bago ang mismong election.
Blogger’s POV
Ayaw ko maging negative pagdating sa issue na kinakaharap ng COMELEC lalo na’t base sa proposed calendar nila ay dapat nag umpisa na noong December ang voter’s education at ang tanging nagawa nila ay ang demonstration sa mga piling grupo lamang na hindi malinaw kung paano nila isinasagawa ang prosesong ito o wala mang anunsyo sa kanilang website. Ilang beses ko na rin kinausap ang mga representative ng COMELC pero sa kasamaang palad ay tila namimili sila ng kakausapin o wala silang sagot na maibibigay sa mga concerns ng mga taong maraming taong ukol sa automation. Tanging panalangin ko na lang ay maging maayos ang election ay ma-meet lahat ng deadlines na kinakailangan ayusin ng COMELEC.
No comments:
Post a Comment