Thursday, December 24, 2009

Blessed Christmas and strong faith to all!


Sa kabila ng unos na dinadanas ng Pilipinas ay patuloy pa rin tayo tumatayo at nagpapatuloy ng kani-kaniyang buhay. Ito ang meron ang mga Filipino na wala ang pagiging matatag at malakas ang pananampalataya. Ito ang ang nakita ko sa huling araw ng Misa De Gallo na pinuntahan ko sa San Guillermo Chuch sa Bacolor Pampanga. Nakilala natin ang simbahang ito sa primetime drama ng ABS-CBN na May Bukas Pa at kay Santino, pero may mas malalim pang istorya ang simbahang ito dahil isa ito sa mga lumubog sa lahar noong pumutok ang Mt. Pinatubo na kung saan almost kalahati ng taas ng simbahan ang nabaon sa lahar kasama ang cemetery sa likod nito.
Pero sa kabila nito tulad ng napakaraming kalamidad at pagsubok na dumating sa buhay nating lahat ay patuloy tayong tumatayo at iyon ang pinakamalaking himalang nagaganap sa buhay nating lahat. We should be thankful sa araw araw na pag gising natin sa umaga at ang patuloy nating pag hinga. Ito ang nakita ko sa mga pag iikot ko kasama ang mga iba't ibang grupo. Nawa'y ang aral sa sabsaban at ang imahe ng batang Jesus na dumating sa mundo sa simple ay magpaalaala sa atin na hindi kailangang maging magara ang handa natin, mamahaling kasuotan at mg dekorasyon, kundi ang panatilihing simple at masaya ang araw ng Pasko.

Muli isang Mapagpalang Pasko sa lahat nawa'y mapuno ang inyong mga tahanan ng pag-ibig at biyaya ng Poong Maykapal!
Bookmark and Share

Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles