Apat na araw na simulang naganap ang karumal dumal na pagpatay sa mga media men, lawyers, civilians, supporters at ang miyembro ng pamilyang Mangudadatus na sana’y magpapasa lamang ng certificate of candidacy para sa 2010 election. Mayroon nang 57 na napaslang dahil sa political killings, binitawan na ng Lakas Kampi CMD si Mayor Andal "Unsay" Ampatuan Jr sa paritdo at sumuko na rin ito para sa imbestigasyon kahit noong nakaraang araw ay hindi pa kumikilos ang gobyernong noong nakinabang sa tulong ng mga Ampatuan sa eleksyon.
Ang sa akin lang hindi pa tapos ang pagbibilang ng mga araw mula sa paniningil ng katarungan para sa mga biktima ng political killings hindi lang sa Maguindanao, kundi sa iba pang parte ng bansa kasama na rin dito ang pagsusupil ng karapatang at kalayaan ng pamamahayag. Trabaho at responsibilidad ng mga journalist na ilahad ang katotohanan para sa lahat at hindi dapat ito pinipigilan at pinapatahimik. Ang blog na ito at ang may akda ay nakikiisa sa pagbabantay, at pakikipaglaban para sa kalayaan ng pamamahayag at katarungan para sa mga biktima ng political killings at pagpatay sa mga journalist.
Kung tayo ay umaasam ng maayos at mapayapang eleksyon makiisa tayo at magbantay, at karapatan natin ito!
No comments:
Post a Comment