Patuloy ang pagpasok ng suporta para kay former President Corazon Aquino, mula sa mga prayers na mula sa mga kaibigan at mga supporters ni Tita Cory at pati na rin sa Vatican City sa pangunguna ni Pope Benedict XVI. Sa lansangan naman at mga tahanan ay naroon ang paglalagay ng yellow ribbon sa mga harap ng bahay at kalsada para ipakita ang kanilang suporta sa laban ni Tita Cory sa colon Cancer.
The website was launch last 2007 at ngayon ay muling pinupuntahan na sya ng mga tao hindi para magcheck ng biography or mga ginawa niya noong presidente pa sya kundi para magbigay ng kanilang suporta at panalangin para kay Tita Cory.
Bukod sa official website ay nariyan din ang kampanya para sa mga social network accounts mo na kung saan kahit sa profile picture mo sa twitter ay maipapakita mo ang suporta mo para kay Tita Cory. Ginawa ito ng kaibigan nating si Ederic Eder na nagtratrabaho sa Yahoo Philippines at kagaya natin ay sumusuporta din siya sa laban ni Tita Cory.
Iba iba man ang paraan ng suporta sa online man, sa text, o sa kalsada at panalangin ay sama sama naman tayo sa isang layunin ay ang mas bumuti ang kalagayan ng dating Pangulong Carazon Aquino na noon ay hinti tayo iniwan sa laban kontra Martial Law.
No comments:
Post a Comment