Sunday, July 26, 2009
Iglesia ni Cristo Celebrates 95th Anniversary
July 27, 2009, Iglesia ni Cristo celebrates it's 95th Anniversary hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, pero sa kabila nito iilan lang sa ating mga hindi kapanata ng religion na ito ang may konting alam tungkol sa kanilang fellowship o samahan. Nais ko sanang i-share sa inyo ang mga ilang information tungkol sa Iglesia ni Cristo as provided by INC member Jon Magat.
Nagsimula ang Iglesia Ni Cristo noong July 27, 1914 na kung saan officially ini-register ito sa Philippine Government sa pamamagitan ni Felix Manalo ang sinasabi nilang Sugo ng Diyos at kapatid nila sa pananampalataya. At unang kapilya na naitayo ay makikita sa Punta, Sta Ana Manila, ang kapilya ay katumbas ng isang simbahan sa relihiyong Katoliko. According kay Jon Magat ang Iglesia Ni Cristo ay nanatiling tapat at sumusunod sa kanilang doctines and practices simula noong itinayo ito. "The doctrines of the INC never change. INC's teachings are solely based on the Bible. Some of the main doctrines of the church include: the belief of one God--- the Father, belief in the Lord Jesus Christ as the begotten Son of God and he's recognized as the church's head, the necessity of church membership in attaining salvation", ayon kay Magat.
Bilang kasapi ng Iglesia ni Cristo, importante sa kanila ang pananampalataya dahil ang kanilang relihiyon ay tulad ng isang malaking pamilya na tinuturuan sila mula pagkabata ang pagmamahal sa iisang Diyos at pagtulong sa kapwa. Ilan sa mga proyekto ng INC sa community na sinasakupan nila ay ang Lingap sa Mamamayan isang free medical & dental mission para sa member at non-member ng INC, Clean-up Drive, Blood donations, at Summer Kindergarten Program. Ang Iglesia ni Cristo ay may naitayong paaralan na para sa mga members at non-members din at ito ang New Ear University na matatagpuan sa Quezon City. Pagdating sa usapin sa politika at iba pang social issues ay pinili ng samahan na tahimik na mag-observe at tahimik din sa pag-participate sa mga bagay na tulad nito. Pero pagdating sa usapin ng Reproductive Health ay may paninindigan ang INC sa bagay na ito, ayon kay Magat, "The INC takes a progressive stand on reproductive health. As long as the government's suggestive method on family planning doesn't promote abortion, the INC is all-out in supporting it."
Ngayon ay present na ang Iglesia ni Cristo sa 6 continents sa mundo o 87 countries na kung saan ay may mga miyembro ang INC at may naipatayong mga kapilya at patuloy pa rin ang bilang ng mga kasapi ng relihiyong ito. Sa ika-95th Anniversary nila ay mas pinapakita nilang mas tumatatag ang kanilang samahan sa gabay na rin ng Diyos. Muli Mapagpalang 95th Anniversary sa mga Kapatid namin sa Pananampalataya sa Iglesia ni Cristo. Mayroong mga events na magaganap sa Araneta Colleseum, Iglesia ni Cristo Central Temple sa Quezon City at sa Rizal Memorial Sports Complex sa Malate Manila para sa 95th Anniversary nila bukod dito mapapanood din ang mga kaganapan sa Net 25 at maririnig sa 1062 kHz DZEC-AM radio.
*** Note ang may akda ay isang Katoliko pero sa kabila ng relihiyong niyakap niya ay mayroon siyang paggalang at pagpapahalaga sa mga paniniwala at pananampalataya ng kapwa niya.
3 comments:
Happy 95th anniversary sa lahat ng mga Iglesia Ni Cristo.
Very well written!
Happy Anniversary to all Iglesia Ni Cristo brethren worldwide!
Greetings from the Locale of General Santos, Ecclesiastical District of Cotabato South!
hi, this is a nice post.. i have just entered the blogosphere a couple of months ago.. i hope you don't mind me putting your site in my 'mafia connections'... thanks! :)
Post a Comment