“Give a man a fish and he’ll eat for a day. Teach a man to fish and he will eat for the rest of his life.”
Gawad Kalinga wanted to empower the people on how they can help themselves to stand for their family and not by asking help from others. After inilunsad ang Bayan Anihan ng Gawad Kalinga sa Cainta Rizal sa GK Selecta Village, ay sumama naman ako sa Gerona Tarlac, yes I took my leave just to be part of this campaign and to experience to see how people from Gerona Tarlac unite and work together para buhayin nila ang kani kanilang mga pamilya mula sa tulong ng Gawad Kalinga sa kanila.
With Gawad Kalinga founder Tony Meloto, inilunsad nila ang Harvest Day sa Gerona Tarlac para formally i-turn over sa mga naninirahan sa GK Village doon ang pag ma-may-ari nila ng lupain na kung saan pagmumulan ng kanilang pang araw araw na pagkain, bukod sa mga bahay na tinitirhan nila ngayon.
John Concepcion of Selecta encourages those participate the program na ipasa pa at i-share ang mga nangyaring ito sa iba ma-reach out ang mga kababayang Pinoy na nangangailangan ng tulong pero ang pagtulong sa kanila ay hindi lamang sustentuhan ang kanilang mga pangangailangan, kundi ang tulungan sila para tulungan nila ang kanilang mga sarili.
Tulad ng kwento ni Tuntoy na kung saan ikinumpara niya ang dati nilang buhay at ang buhay na tinatamasa nila ngayon sa tulong ng Gawad Kalinga. Ay ipinakilala rin si Antero Ely isang lalaking may pangarap sa buhay ngunit dahil sa kahirapan ay hindi niya magawang tumayo at tulungan ang kanyang pamilya. Pero sa tulong ng Gawad Kalinga at ng mga volunteers ay tinulungan niya ang community nila Antero Ely ay mula doon ay natuto siyang tulungan ang sariling tumayo at maniwala sa buhay para sa kanya at para sa kanyang pamilya.
Maging parteng kampanyang ito laban sa kahirapan at gutom, alamin mo ang magagawa mo, bumisita sa BayanAnihan.com.
Basahin mo rin ang naganap sa Cainta Rizal noong ini-launch ang Gawad Kalinga Bayan Anihan at pakinggan ang aking exclusive interview kay Tony Meloto.
1 comment:
We are inviting all GK SAGIP Volunteers and those who would want to be involved in the children's program.
GK SAGIP will be having its annual
GK SAGIP CONGRESS on August 29,2009 at the College of St Benilde Theatre
from 1:00 - 8:00 pm.
Registration fee is P50 per head.
Gawad Kalinga - Homes, Hope, and Humanity for All
Post a Comment