Nagdeklara na ang World Health Organization na ang Influenza A(H1N1) ay nasa pandemic status na o pandaigdigan epidemya na kung saan umabot na 27, 737 na ang kumpirmadong kaso ng A(H1N1) sa buong mundo na kung saan ay maroon nang 141 ang namamatay at kumalat na ito sa 74 na bansa at 93 sa mga kumpirmado rito ay galing sa Pilipinas. Habang ang karamihan sa kaso ng A(H1N1) ay galing sa North and South America, Europe at Australia, na kung saan ang Australia ay mayroon nang 1 275 cases na ng A(H1N1). Pero sinigurado ni Nicola Roxon, Health Minister ng Australia at miyembro ng WHO na hindi dahil itinaas na ng WHO sa pandemic status o alert level 6 ang A(H1N1) ay hindi na ito ibig sabihin na mas mapanganib na ang virus. Ayon kay Roxon ay madaling gamutin ang A(H1N1) kung irereport agad sa kanila ang mga kaso sa mga health office nila ngayon ay gumagawa sila ng paraan kung paano mapigilan ang pagkalat nito. Nagyon ang A(H1N1) ang sumunod na pandemic case ng WHO matapos ang 41 years na kung saan nagkaroon ng Hongkong Flu na nagbunga ng pagkamatay ng 1 Million na tao.
No comments:
Post a Comment