Wednesday, June 24, 2009

STAR RECORDS AT RED CROSS, NAGSANIB PARA SA ISANG MAKA-BULUHANG PROYEKTO

Bookmark and Share


Ang recording giant ng bansa, Star Records, at ang premier humanitarian organization sa Pilipinas, ang Philippine National Red Cross (PNRC), ay magtutulungan para sa isang maka-buluhang proyekto kung saan magsasama-sama ang ilan sa mga magagaling na mang-aawit sa isang album na pinamagatang, “I Move, I Give, I Love.”

Ginawa para sa 150th anniversary ng Red Cross, hangarin ng “I Move, I Give, I Love” ang maibahagi ang key principle ng nasabing organisasyon – ang tumulong ng walang halong diskriminasyon sa mga taong nangangailangan- sa pamamagitan ng isang listahan ng mga tracks na hatid ay mga inspiring na awitin na tiyak pupukaw sa puso’t isipan ng mga makikinig. Una sa listahan ay ang theme song ng Red Cross na “Bagong Umaga” na binigyang rendisyon ng tatlo sa mga multi-talented artist ngayon na sina Toni Gonzaga, Erik Santos at Yeng Constantino. Ang iba pang awit na kasama sa album ay ang: “A Hero Has Arrived” (Nyoy Volante), “Hawak Kamay” (Yeng Constantino), “I Believe I Can Fly” (Erik Santos), “Power of The Dream” (Toni Gonzaga), “Kasama” (Aiza Seguerra), “Free” (Rosella Nava with the Bukas Palad), “Today” (Raki Vega), “It Can Only Get Better” (Charice), “Tara-tena” (Kyla and Kaya with V3”, “Kaleidoscope World” (Akafellas), “Today I’ll See The Sun” (Karel Marquez) at “What A Wonderful World” (Charlie Green). May dalawang bonus track rin na nakapaloob sa CD : “Life Power” at “Always First, Always Ready, Always There”

Mabusising pinili ang mga mang-aawit na nag-participate sa proyekto. “Choosing the artists who will be part of this project was a tedious task,” pahayag ni Ms. Gwendolyn T. Pang, ang Secretary General ng Philippine National Red Cross. “We really have to consider artists with great sense of compassion.”

Ang paglahok nila ay dahil lamang sa kanilang intensyon na manghikayat ng mga taong tutulong kaya naman hindi na nagpabayad ang mga artistang ito.

Ang layunin ng Red Cross at ng Star Records na maka-tulong ay hindi natitigil sa paghahandog ng musika lamang. Sa katunayan, ang proceeds ng “I Move, I Give, I Love” ay mapupunta rin sa Red Cross.

Sa ika-24 ng Hunyo, opisyal nang ila-launch ang album kasabay ng kamapanya ng PNRC na may pamagat na “Your World, Your Move” na naglalayong magbigay ng tamang impormasyon patungkol sa pandemic na hinaharap ngayon ng buong mundo, ang Influenza A (H1N1) Virus.

Save lives. At umpisahan ito sa pamamagitan ng pagkuha ninyo ng inyong sariling kopya ng “I Move, I Give, I Love”, mula sa Star Records.

For more updates visit www.ABS-CBN.com and StarRecords.ph.
Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles