Saturday, June 27, 2009

Kaya ng Pinoy names Balangay Boat - Diwata ng Lahi

Bookmark and Share
June 27, 2009, formally inilunsad ng Kaya ng Pinoy ang Balangay Voyage na kung saan ang pangunahing layunin ng project na ito ay ibahagi at buhayin ang kulturang Pinoy na kung saan nag ugat ang sistema ng gobyerno sa pamamagitan ng balangay o mas kilala na sa tawag na barangay, bukod dito ipinapakita rin ng project na ito kung gaano kayaman ang kultura ng Pilipinas at sa pamamaraang ito ay nais nilang ipaalala at ipakita ito sa mga makabagong Juan dela Cruz ng generation na ito. Sa Cultural center of the Philippines Harbor Area ginawa ang voyage o send off ng Balangay kasama ang mga supporters ng project na ito at mga members ng media. Ayon kay Valdez ay nawa'y matulungan sila ng media at mga supporters ng project na ito para ibahagi ang importansya ng pag alala ng kultura at kasaysayan sa mga kabataan.
Ang Balangay ay pinangalanang Diwata ng Lahi na kung saan nakasanayang pangalan ng babae ang itinatawag sa anumang uri ng shipping vessel. Ang Balangay o si Diwati ng lahi ay may sukat na 15 meters pahaba at 3 meter palapad. Ang mga gumawa ng balangay ay pawang mga galing pa sa Isla ng Sibuto sa Tawi Tawi. Habang ang pamamaraan naman ng paggawa ay katulad noong panahon pa ng mga ninuno natin sa Timog Silangang Asia na ang technique ng paggawa ay plank built, lashed lug, edge pegged and shell first construction.

Kasama sa Balangay Expedition na ito ay ang mga Mt. Everest Team na sina Art Valdez, Leo Oracion, Erwin Emata, Noelle Wenceslao, Carina Dayondon, Janet Belarmino-Sardena, Dr. Ted Esguerra, Fred Jamilli, at Dr. Voltaire Velasco, kasama rin sa crew a master sailors, academicians and scientist. Bukod sa pagpapakalat ng kulturang Filipino ay layunin din ng Balangay Expedition ay ang tumulong sa kapwa sa mga lugar na pupuntahan nila tulad ng medical support, cultural education at marami pang iba.
Ang paglalayag ng Balangay o ang expedition na ito ay mag uumpisa sa Southeast Asia sa 2010, kasunod sa Micronesia at Madacascar ng 2011, at patungong Pacific at Atlantic at paikot ng buong mundo sa 2012 at babalik sa Pilipinas ng 2013. Ayon kay Art Valdez head ng Kaya ng Pinoy Foundation, ay ang Balangay ay gagamitin lamang kapag padaong na sila sa fort o paalis na at sa buong expedition nila ay nakasakay sila sa isang barkong mag iikot sa kanila sa kanilang mga destination.
Subscribe to RSSPhotobucket

1 comment:

Mikes Sumondong said...

ANything for our country! I'm always YES!

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles