Wednesday, October 15, 2008
Ang Sa Wari Ko Supports BLOG ACTION DAY 08 in its war against POVERTY
Isa akong simpleng mamamayan sa Pilipinas, sa usapin ng kahirapan hindi natin kailangan ng technical na mga bagay bagay para alamin ang mga issue na tulad nito dahil ang kahirapan o poverty na ngayon at sama sama nating nilalabanan gamit ang makabagong paglalahad ng information tulad ng blogging. October 15, 2008 ang araw na itinakda sa sama samang pagkikipaglaban ng Pinoy sa Blog Action Day Philippines at ng mundo sa Blog Action Day 2008 Poverty. At dito nakikibahagi ako sa labanan na ito sa pamamagitan ng pakikibahagi ko sa aking mga readers kung ano ang adhikain ng samahang ito.
Ang usapin ng kahirapan ay isang napakahabang paglalahad ng samu't saring kwento physical man, spiritual, mental at emotional na aspeto sa lipunan, dahil ang kahirapan ay hindi lamang nagsasaad sa kasalatan ng tao sa pagdating sa kanyang mga pangunahing pangangailangan. Samu't saring mukha ng kahirapan na hari nawa'y matustusan ng karampatang gamot para mapigilan at para malunasan:
Physical Poverty - Gutom, kakulangan sa maayos na tirahan, pagkabaon sa utang, at kulang sa pagtustos sa araw araw na pangangailangan, iyan ang larawan na pisikal na kahirapan ng bansa. Kawalan ng trabaho ito ang pangunahing kadahilan ng pisikal na kahirapan, ang hindi maayos na source of income ng pamilya na nagdudulot ng gutom sa typical na pamilya ni Juan dela Cruz, na nagreresulta rin sa malnutrition at sakit. Kagaya ng mga magsasakang Sumilao Farmers na umaasa na makuha nila ang lupaing sinasaka nila dahil ito ang source ng kanilang ikinabubuhay.
Spiritual Poverty - Ayon sa World Vision: "It’s something that doesn’t make headlines next to war, disease and lack of clean water, but in many ways it is equally important when it comes to survival. For people all around the world, including Australia, spirituality can be a source of strength when coping during adversity. It can also be a guiding principle for forgiveness and tolerance that can help prevent conflicts ever happening." Ang poverty ay hindi lamang nailalarawan sa kasalatan ng tao sa pisikal nitong pangangailangan kundi kung ano ang pinaniniwalaan niya sa buhay at kung ano ang pananaw niya sa buhay. Paano maitataguyod ng isang ama ang pamilya kung salat siya sa ambisyon niyang maiangat sa kahirapan ito. Gayon din ang isang inang maaalagaan ang kanyang mga anak kung sa paniniwala niya ay hindi siya nararapat maging isang ina. Gabay ito ang kailangan ng mga mamamayan upang mapunan ang pagkukulang nila sa kanilang spiritual status sa lipunan.
Emotional Poverty - Para mga biktima ng karahasan at pagmamaltrato at saksi rin ng mga bagay tulad nito, sila ang mga taong nakakaranas ng emotional poverty o ang paghina ng kanilang confidence sa buhay at ang pagkakaroon ng takot o trauma isa ito sa malalang uri ng kahirapan na patuloy na nilalabanan ng Commission of Human Rights at ng ilan pang mga Non-Government Organizations na ang layunin ay sugpuin ang mga kagaya nitong pag violate sa karapatang pang-tao mula sa discrimination, human trafficking at ang hindi masugpu-sugpong domestic violence. Tulad ng mga bagay na ito nakiisa noon ang blog na ito sa paglaban sa anumang uri ng karahasan at human rights violation.
Mental Poverty - Para sa isang 3rd World Counrty kagaya ng Pilipinas, mas inuuna ng karamin ay sagutin ang pangangailangan ng kumakalam niyang sikmura kaysa salat nitong kaisipan at kamalayan sa buhay. Edukasyon ito ang karaniwang naisasangtabi sa panahong kailangan mabuhay ni Juan dela Cruz kasama ang kanyang pamilya. Hanggang ngayon nasa debatehan pa rin ang ideya na kung ang education ba sa lipunan ngayon ay isang karapatan o isang privilege sa mga taong kayang abutin ang nagtataasang matrikula. Dahil sa pagtaas ng matrikula ay napipilitang tumigil ang mga kabataan sa pag aaral dahil hindi na sila kayang matustusan ng kanilang mga magulang kundi mas itutuon na lang nila ang kanilang mga kinikita para sa pangangailangan ng pamilya at ito ay pagkain, tirahan at damit. Pero sa para may kakayahang matustusan ang edukasyon masasabi rin ba nating sapat ang nakukuha ng kabataan pagdating sa inaasam nating maayos na estado ng edukasyon sa bansa lalo na ngayong may ilang mga anomaly na dapat sagutin ng Department of Education?
Sa huli babalik tayo sa simula bakit salat tayo sa pisikal na pangangailangan dahil salat tayo sa kaalaman para magkaroon ng maayos na trabaho. Gayon din sa pagkakaroon ng iba't ibang uring pag violate sa karapatang pantao at patuloy na pananahimik natin dahil salat tayo sa kaalaman na may karapatan tayong lumaban at ipaglaban ang ating mga sarili. Ang usapang kahirapan o poverty ay isang mahabang labanan na ang unang sagutin dapat ay kung paano natin bubuhayin ang kamalayan ng tayo. I may not contribute physically in the needs of poeple who is burdened with poverty, but I can help in sharing awareness to others, bilang Pinoy sa pamamagitan ng wika ko para maabot ko ang mga kapwa Filipino ko, dahil ang pagbabago ay hindi nangyayari overnight, hindi naaabot ang ibang tao sa malayong lupain nang ganung kadali, umpisahan natin sa sarili ang pag alam ng ating karapatan bilang tao at kung ano makakabuti sa sarili natin at ibahagi sa kapwa. (Changes doesn't happen overnight, and it doesn't jump to nation to other nation that easy, but by sharing ito locally to your fellow countrymen, with your own language. It should start from ourselves first to educate ourselves what's good for us and what is our rights and share it to others). Hindi ko nagawang magbahagi ng anumang kaya kong gawin pero isa lang ang alam ko na sana sa kabila ng pagbabahagi ng ideya kong ito, may isa, o dalawa akong maabot at mainform sila ukol sa labang ito, ang laban ng lahat sa kahirapan.
Subscribe to Email Blast
1 comment:
palagay ko hindi pa ang kakulangan sa kaalaman para magkaroon ng maayos na trabaho ang nagdudulot ng kahirapan, sintomas lamang ito. kung ating i-hihistoricize ang kahirapan, makikita natin na ang mga nagtratrabaho nga talaga ang naghihirap, at ang mga nagmamay-ari ang yumayaman - ito'y sa kabila ng kawalan o kakulangan nila ng kaalaman hinggil sa pinapagawa nila sa mga trabahador nila. kabalintunaan, pero ang lumiklikha ng yaman ang mahirap.
palagay ko rin ay may ideya ang mga mahihirap hinggil sa karapatan nila. bukod dito'y may mga grupong tumutulong din mag-organisa tungo sa isang kolektibo pagkilos. nga lang, kahit anung gawin nila, kung tingga ang katapat (hal. Hacienda Luisita), matatalo talaga sila. anung panama ng sigaw, sa bala? kaya naman dahas ang sagot ng estado dahil alam nilang may malinaw na ideya ang mahihirap nating kapatid sa kung anu at anu ang hindi dapat.
pero sang-ayun ako sayo, kapatid. sa simpleng utterance lang ay nabibigyang buhay na ang isyu. ibang usapin nga lang kung ano, at saan patungo ang utterance
Post a Comment