Monday, September 22, 2008

Nasa KALYE ang totoong istorya ng buhay

May mga kuwentong di man kasinglaki ay kasinghalaga lang ng mga usaping tulad ng pulitika, krisis, at ekonomiya, at kung tutuusi’y mas malapit pa sa puso ng mga ordinaryong mamamayan.

Ito ang mga kuwentong bibigyang buhay ng batikang ABS-CBN news reporters na sina Atom Araullo, Sol Aragones, at DZMM commentator at beteranong radio reporter na si Anthony Taberna sa bagong programang "Kalye: Mga Kuwento sa Lansangan" simula Lunes (Sept 22).

Tunghayan ang mga hindi pangkaraniwang kuwento sa lansangan, maanomalyang gawain, istoryang nagaganap sa gabi, at iba pang mga kaganapan tulad ng demolisyon, pagpuputol ng puno, aksidents, o mga batang itinatapon sa basurahan.

"Ito yung mga kuwentong hindi nagiging headline pero gustong marinig ng mga tao dahil mas naiiugnay nila ang kanilang mga sarili dito," paliwanag ni Taberna, na tumanggap kamakailan ng Benigno S. Aquino Jr. Fellowship for Professional Development for Journalism na bigay ng Embahada ng Amerika.

Layon ng “Kalye” na himayin ang nagaganap sa ating kapaligiran, isaayon sa konteksto ng kinagisnan ng ating lipunan, at himukin ang mga taong gumawa ng aksyon.

Tatlong istorya ang sasainyo bawat linggo na ihahatid ng tatlo sa pinakaaktbong mamahayag na eksperto na sa pag-uulat ng mga balitang krimen at iba pang pangkalahatang kaganapan.

Huwag palalampasin ang pag-uumpisa ng "Kalye: Mga Kuwento sa Lansangan" ngayong Lunes (Sept 22) pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN.






Subscribe to Email Blast

2 comments:

Liz said...

hi flow! kunmusta na? tagal kong di nadalaw dito. sobrang busy namin pasensya na ;)

cheers

Z said...

i enjoyed viewing to your station... and it happened to be that i watched the episode of this gangs who changed their ways into hip hop... sad to say is that our Government doesn't do anything to solve this problem... This individuals have overwhelming potentials for change and the thing that our Government is doing is absolutely nothing... where is the motto in the 500 bill which states that education now pay later... featured in your show are this individuals who have talents and yet not even a support from the Government. if a single or even a group of individuals are successful in a certain career,often are featured in a show that says Filipino talent.. but did the Government even helped this individuals achieve their dreams? what I'm trying to say is that its about to show the world what Filipinos are made of. (talents, skills) and let our government listen and look at every individuals...

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles