Wednesday, June 2, 2010

Boy Abunda airs his side on the alleged Department of Tourism Appointment

Sa Showbiz News Ngayon ay ipinahayag ni Boy Abunda ang kanyang side ukol sa mga batikos na binabato sa kanya kaugnay sa possible na pag appoint sa kanya ng Presidential front runner na si Senator Benigno “Noynoy” Aquino III para sa posisyong secretary of Department of Tourism. Ayon sa kanya ay na offend siya sa mga taong bumabatikos sa kanya sa kanilang pag-question sa credibility niya na maging isang appointed secretary sa isa sa posibleng kabinete ni Noynoy. Ayon sa kanya wala siyang diploma sa marketing o law para masabing qualified siya sa pagiging DOT secretary na kung saan ay ang pangunahing trabaho ay ipromote ang bansa lalo na ang tourism at heritage ng Pilipinas. Ayon sa kanya maaari siya ay isang entertainer pero hindi siya basta basta entertainer kundi isa siyang entertainer na seryoso sa ginagawa niya at trabaho at bukas sa paglilingkod sa bayan. Pero sa panahong ito ay hindi pa handa si Boy Abunda para maging secretary dahil may kontrata siya sa ABS-CBN hanggang 2011 at ito ay nirerespeto niya pero hindi ibig sabihin nito ay sarado na siya sa opportunity na hinahain sa kanya.

Sadly, ang pananaw ng karamihan ay kailangan may ganitong natapos o titulo para makapglingkod sa bayan, minsan nalilimutan natin na ang importante ay ang sincerity at dedication sa trabaho at ito ang karaniwang wala sa mga taong nasa posisyon lalo na sa gobyerno. Hindi sukatan kung ano ang natapos, o ano ang buhay na pinanggalingan, lalo na kung sino ang kaibigan, pamilya o kung saan nagtapos para masabing may karapatan ang isang tao sa posisyon at sa trabahing pinapangarap nila. Aminin natin masyadong nagiging makitid ang mga tao pagdating kapasidad ng paglilingkod sa bayan, kaya minsan ay nagkakaleche-leche na sa gobyerno o kung saan man dahil sinusukat natin ang kapasidad ng tao base sa estado niya sa lipunan lalo na ang pinanggalingan niyang buhay. Para kay Boy Abunda saludo ako sa tapang mong ipahayag ang iyong opinyon at ang iyong pananaw na hindi nasusukat ng anu pa man ang kagustuhang maglingkod sa bayan.

Bookmark and Share
Subscribe to RSS FeedFollow me on TwitterEmail Me

Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles