Saturday, October 3, 2009

PPCRV’s Raymond Ciriaco talks about his hopes on 2010 Election


Last September 21, nagkaroon ako ng chance to talk with Raymond Ciriaco, International Director of Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) and recorded our conversation where he mention his plight as PPCRV member, hopes on the youth and faith on automated election.

1992, ito ang taon na kung saan nagsimula sa PPCRV si Raymond at mula doon ay nakita niya kung paano nag evolve ang sistema ng eleksyon kasama na rin ang pananaw ng mga tao pagdating sa karapatan nila sa pagboto. “We are progressing and we learn from our mistake” ito ang nasabi ni Raymond na kung saan naging mulat ang tao pagdating sa mga katiwaliang nagaganap kapag sumasapit na ang eleksyon tulad ng mga taong nagbebenta ng kanilang mga boto na kung saan ang mga tiwali ang siyang nahahalal. “Hope we can be mature enough and really discern to choose the right leaders”, ito ang hope niya na sana ay maging matalino ang botanteng Filipino pagdating sa pamimili sa kanilang iboboto.

Ngayong parehong pinamamahalaan ni Ambassador Henrietta T. De Villa ang PPCRV at National Movement for Free Election (NAMFREL), naniniwala si Raymond na mas madadagdagan pa ang suporta ng mga tao sa PPCRV na kung saan naniniwala sa malinis at maayos na eleksyon. Ayon sa kanya patuloy ang PPCRV sa kampanya nitong Clean, Honest, Accurate, Meaningful and Peaceful (CHAMP) election na kung saan ang focus nila ay voters education at ang pagbabantay sa election, at non partisan ang PPCRV ang tanging habol nila ay ang sanctity ng vote.

“Isa akong user ng technology, I’m not a techie pero alam nating tool scan empower people at alam din natin that tools at tools that can be misuse”, ayon kay Raymond hindi pa rin titigil ang pagbabantay sa election dahil mawawala man ang dagdag bawas at ballot switching sa automated election pero nariyan pa rin ang vote buying, kaya ang tanging mensahe ni Raymond ay maging vigilant sa panahon ng election.

Narito ang kumpletong conversation naming ni Raymond Ciriaco ng PPCRV:



”It’s constant discernment”, ito ang nasabi ni Raymond pagdating sa pamimili ng kung sino ang iboboto, kilalanin mabuti ang mga tatakbo at alamin ang plataporma nila na kung makikinabang ba at makakabuti ang mga tao.

October 3, 2009 ngayon at mayroong 28 days na lang natitira bago ang huling araw ng voters registration, tulad ng sinasabi ko at kinakampanya ko sa blog na ito lumabas tayo para Magparehistro para makibahagi sa Pagboto sa 2010 election, at Magbantay sa bilangan at anunsyo kung sino ang nahalal kasama ang pamamahala nito hanggang sa huling araw nito sa posisyon. Inuulit ko ang mensahe ni Raymond at iyon ay maging VIGILANT.

Bookmark and Share

Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles