Tuesday, October 6, 2009
Bernadette looks into life after #Ondoy and #Pepeng on "The Correspondents"
Ilang araw lang matapos salantahin ni Ondoy ang Metro Manila, isang supertyphoon ang muling pumasok at nanalasa sa bansa, si Pepeng. Samahan si Bernadette Sembrano sa kaniyang pagsilip sa kalagayan ng mga nasalantang pamilya ngayong Martes (Oct 6) sa “The Correspondents” sa ABS-CBN.
Matapos kumitil si Ondoy ng 288 buhay at sumira ng ilang bilyong halaga ng ari-arian, naging mas mapagmatyag ang mga Pilipino sa pagdating ng isa pang bagyo. Sa Bulacan, bumili ang lokal na pamahalaan ng jetski at rubber boat sakaling bahain ang kanilang lugar. Ang mga residente naman ay bumil ng salbabida.
Ngunit lumihis ang bagyong si Pepeng sa Northern Luzon. Nakuha mismo nila Bernadette ang pagdating ni Pepeng sa Isabela, Cagayan dala ang pinagsamang lakas ng hangin at ulan. Hindi nakaligtas ang mga puno at mga bubong ng bahay. Muli, maraming kabahayan ang lumubog sa baha.
Paano na nga ba babangon ang mga nasalanta na bukod sa gamit, at bahay ay tila nawalan na rin ng pag-asa? Balikan ang iba pang isyung tinalakay sa bansa sa http://thecorrespondents.multiply.com. Silipin kasama ni Bernadette Sembrano ang kuwento ng desperasyon at pag-asa sa buhay ng mga taong sinalanta ni Ondoy at Pepeng sa “The Correspondents,” ngayong Martes (Oct 6) pagkatapos “Bandila” ng sa ABS-CBN.
Watch the full episode of The Correspondents on http://now.abs-cbn.com.
No comments:
Post a Comment