Thursday, August 6, 2009
Manila Bulletin: President Gloria Macapagal Arroyo is DEAD???
Naglabas ng special issue ang Manila Bulletin patungkol sa coverage nito sa mga huling araw ng burol ng President Corazon Aquino, kagaya ng ibang mga broadsheets at tabloids na naglabas din ng issue nila ngayon, August 6, 2009.
Maayos na sana ang issue na lumabas na kung saan nasa front cover ang dating Pangulong Aquino, maliban lang sa isang photo na kung saan ay parang apoy na kumalat ngayon sa internet. Ito ay ang caption sa galery ng Manila Bulletin na matatagpuan sa last page ng cover issue nila. As it stated "With Utmost Care. Military honor guard carefully moves the coffin of President Arroyo out of the Manila Cathedral. (Photo by Tony Padilla)."
At first hindi mo mapapansin ang caption because we all know kung sino ang president na namatay noong August 1 ng 3:18 PM sa Makati Medical Center, at kung sino rin ang president na naiburol sa Manila Cathedral at nailibing kahapon August 5 sa Manila Memorial Park, at siya at si President Corazon Aquino na kung saan namatay sa edad na 76 dahil sa respiratory cardiac arrest at may sakit na colon cancer. Na kung saan ipinagluksa ng maraming tao ang kanyang pagkamatay.
Pero ngayon dahil sa kumalat na photo na ito sa net at mismong nakita nang karamihan na bumibili at nagbabasa ng Manila Bulletin maraming kuru kuro at opinyon ang iba ay ay natawa na lang dahil na rin sa mga ilang pagkakamali na rin ang pagkasabi ng apelyidong Arroyo sa Television at sa Radio at ganun din mismo sa internet. Marahil pareho kasing letter A or subconscious na nang tao ang nagsasalita. Lalo na ngayong pinagdududahan na ang sincerity ni President Gloria Macapagal Arroyo sa pakikiramay nito sa mga naiwan ni President Aquino, kasama na rin ang pagpumilit nitong pumunta sa huling araw ng burol sa Manila Cathedral na kasama ang mga cabinet member niya at tumagal lamang ng 7 minutes. Sa pangyayaring ito ay hinihintay na lang ang erratum o apology mula sa Manila Bulletin patungkol sa pagkakamaling naisulat nila sa caption sa issue nila ngayon.
7 comments:
kawawa naman si Arroyo.. lol! ewan ko lang kung nakarating na sa kanya ang mga ito at ano kaya ang nasa isip niya..
i believe it's an honest mistake. to think na MB pa ang nagkamali :D
nyahaha! di lang sa bulletin yan. kahit sa ABS at GMA newscasts sa tv at radio. hahaha!
wishful thinking ata. :P
I also think this is an honest mistake. Syempre, common sense lang ang kailangan para malaman kung bakit sila nagkakamali. PGMA has been in power since 2001. So for quite sometime, nasanay na rin ang tao na kapag "Pangulo" o "president" ang title, parating kasunod niyan, most especially sa news, ay ang pangalang Arroyo. ^_^
grabe nakakahiya yan sa manila bulletin ah. ahaha. ano kaya masasabi ni GMA? ahehe.
naku po(doh) tyop -- sabi nga ni ohmski. ehe.. masyadong in-advance ng MB. :P
...that was really reckless...for sure President Arroyo got angry to that big mistake...they should apologize.
Post a Comment