Saturday, May 23, 2009
A(H1N1) Virus reaches Philippines but it would not affect June 1 classes
Last night ibinalita ang unag kaso ng A(H1N1) Virus sa Pilipinas na kung saan ang unang case ay nakita sa isang 10 year old na batang babae na nanggaling sa Canada at America at nakauwi sa bansa noong May 18. Wala pa siyang symptoms ng virus ang bata kaya nakalusot siya sa thermal scanner sa airport at noong May 19 lamang lumabas ang mga sintomas ng A(H1N1) at pinacheck up ito ng mga magulang niya at lumabas na positive siya noong May 21. Ngayon ay under medication na ang bata at wala na ang lagnat nito maliban sa sore throat. Habang ang ina nito ay lumabas na negatibo sa A(H1N1) virus habang ang 17 na close contact nito na nakatabi niya sa airport ay hinahanap na ng Department of Health para macheck-up. Hindi pa rin sinasabi ng DOH kung ano ang identity ng bata, at ang airplane na sinakyan nito at kung saan siya nai-confine para maiwasan na rin ang panic sa bansa.
Pero sa kabila nito ayon sa DOH at WHO ay hindi ito magiging rason para ipagpaliban ang pagbabalik eskwela sa June 1 dahil wala namang outbreak sa bansa. Habang mas humigpit ang pagbabantay sa NAIA na kung saan unang lumapag ang unang kaso ng A(H1N1) virus na kung saan magdadagdag sila ng thermal scanner.
1 comment:
good articles information about thats viruz, thanks for share
Post a Comment