Friday, August 15, 2008

Pilipinas makiki-CHArter CHAnge ka ba?



Para isang ordinaryong mamamayan walang halaga ang salitang CHARTER CHANGE o Cha Cha lalo na sa isang taong araw araw kumakayod kalabaw para lang mapunan ang kumakalam niyang sikmura at sikmura ng kanyang pamilya. At para sa iba ang cha cha ay isang ordinaryong sayaw lamang, pero sa pamahalaan ito ang sayaw na tinutukoy nilang pagbabago na tutulong sa pag aayos ng gulo sa Mindanao at sasagot sa suliranin pampulitikal ng bansa. Pero para kay Juan dela Cruz sagot din ba ito sa lumulobong populasyon sa bansa? Sagot ba ito sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin? Sagot ba ito sa pagsugpo ng kamang-mangan ng bansa? Sagot ba ito sa sa kakarampot na kinikita ng mga manggagawa?At sagot ba ito kahirapang matagal nang kinasasadlakan ng bansa?

Marahil hindi, dahil kung ito man ang sagot sana noon pa ito ginawa nang mga naunang pangulo ng bansa. Pero ang usapan ng Charter Change at tila ipinapasok sa panahong may suliranin ang bansa at abala ang mga tao sa mga pansarili nilang pangngailangan at hindi sa politikal na estado ng bansa.

Tulad sa isang kanta "We had the right love at the wrong time", hindi ba mali ang panahong ito para pag usapan ang charter change dahil dapat mas iniisip ng mga nanunungkulan ang nasa harapang suliranin ng bansa? Pag ibig ba sa bayan ito o sadyang taktika na lang para sa pansarili nilang kapakanan na nakaupo sa pwesto?

Mangmang man ang ilang Filipino sa usapang politikal lalo na sa konstitusyon dahil na rin hindi sapat ang kanilang kaalaman sa mga bagay na ito. Pero hindi mangmang si Juan dela Cruz sa panahong alam niyang pinagsasamantalahan na ang kanyang kahinaan. Bakit pinapasok na ang usaping ito kung ang totoong suliranin ay nakaamba sa kanilang harapan. Hindi ba dapat ayusin na muna ang problema ngayon, ang pagkalam ng sikmura, ang kulang na kaalaman, ang butas na bulsa, ang tumutulo at binabahang mga tahanan, at ang lomolobong populasyon? Cha cha lang ba ang sagot? O china-cha cha nyo na lang ang kahinaan ng taong bayan para sa sarili ninyong kapakanan?






Subscribe to Email Blast

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles