Monday, March 3, 2008

Sumilao Farmers nagbalik sa Malacañang


Muling nagbalik ang ilang mga magsasaka mula sa Sumilao, Bukidnon upang singilin si Pangulong Macapagal Arroyo dahil sa napakong pangako nito sa noong nagmartsang mga magsasaka mula Bukidnon patungong Malacañang upang iprotesta ang kanilang karapatan sa 144 hectares ng lupain na ngayong sumasailam sa conversion ng San Miguel Corporation. Kung maaalala natin nagmatsa ang daan daang mga Sumilao Farmers mula Bukidnon patungong Malacañang at pinangakuan sila ni PGMA na aayusin ang kanilang mga hiling bago magpasko, ngunit sa kasamaang palad ayon sa mga muling bumalik ay hindi umusad ang kanilang kaso at nagbabalik sila upang singin ang pangulo sa pangako nitong napako.

Ang Sa Wari Ko: Tila nakakalimot yata ang ating pangulo sa kanyang mga pinangako sa mga kababayan nating magsasaka sa Sumilao, ang sa akin lang ay hindi natatapos ang adhikaing makatulong sa bayan si PGMA ay hindi lamang sa mga pangako at mababangong salita lang ang mga dapat sabihin niya di lang sa panahong crisis tulad nito. Ang blog na ito ay patuloy sumusuporta sa mga Sumilao Farmers na nanawagan sa kanilang mga karapatan mula sa kinalimutang pangako ni Fidel V. Ramos hanggang sa administrasyon ng Ginang Arroyo, hindi biro ang maglakad at magmatsa ng ilang buwan sa ilalim ng mainit na araw at malamig na ulan.


Related blog entry:

ANG SA WARI KO: Supports Sumilao Farmers!

Sumilao farmers will be Merry this Christmas???


No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles