Thursday, December 6, 2007

Uphold Press Freedom!


Mula sa dialogong naganap sa Manila Peninsula kahapon ANG SA WARI KO hindi naman siguro nararapan na muling posasan at huliin ang mga mamamahayag lalo na sa mga krisis tulad ng ganito na dapat malaman ng mga mamamayan por impunto dahil mahalaga ito sa bawat isa. Marahil hindi naiintindihan ni Puno ang importansya ng pamamahayag sa buhay ng tao at hindi naging hadlang ang media sa anumang pagpapatupad ng batas. At ang pagpoposas at pagpapakulong sa media ay isang pagpapakita na may bulok sa sistema ng gobyerno at lalo na sa parte ng mga pulis. Bago ninyo punahin ang media sa trabaho, mas punahin ninyo ang mga nakaupo, asan na ang ilang media na hanggang ngayon di pa rin alam kung bakit nawawala at basta basta na lang pinapatay. Hindi mga daga ang media para paglaruan lang ng mga pulis, hindi sila kriminal mas maraming dapat posasan na nasa pwesto na ngayon ay nagpapakasaya sa bakasyon sa Spain nila sa ibang bansa na dapat ngayon ay ginagawa ang trabaho nila sa kanilang nasasakupan di pa ganap na naayos ang pananalanta ng bagyo at maraming magnanakaw sa gobyerno at yun ang dapat posasan at ibandera sa bus papuntang Bicutan.

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles