Mula ng pumutok ang isyu ng ZTE Broadband deal ng whistleblower na si Jun Lozada, ipinanganak din ang character ni Juana Change. Isang babaeng nag-iiba-iba ng persona at anyo na nagpapakita ng mga kabulukan at katiwalian sa gobyerno sa pamamagitan ng paggawa ng videos. At dahil kapos sa budget, ang internet ang ginawa niyang medium para maiparating sa publiko ang mensahe ng pagbabago.
Sa nakaraang eleksyon, naging visible si Juana Change sa lahat ng mga sortie at kampanya ni President Noynoy Aquino. Naging kontrobersyal ang kanyang presensya sa mga kampanya dahil sa napabalitang tensyon sa pagitan ng mga Liberal Party members at mga volunteer groups kasama na ang grupo nila Juana Change. At nang manalo si Noynoy, mas uminit pa ang tensiyon ng punahin ni Juana Change ang ilang miyembro ng gabinite na napili ni President Noynoy. Partikular na pinuntirya ni Juana Change ang pagkaka-appoint sa mag-amang Butch at Julia Abad. Dahil dito, nagkaroon ng word-war sa pagitan ni Juana Change at Presidential spokesperson Atty Edwin Lacierda.
Ano ba talaga ang tunay na kuwento sa likod ng tensyong namumuo sa pagitan ng ilang miyembro ng Liberal Party at ng mga volunteer groups kasama na si Juana Change? Anong klaseng pagbabago ba ang sinisigaw niya? Meron din ba siyang pinupuntiryang posisyon sa gobyerno? Sumosobra na ba sa pakikialam si Juana Change?
Umaatikabong panggigisa ang ihahain ni Boy at ng mga Bottomliners kay Juana Change ngayong Sabado ng gabi sa The Bottomline with Boy Abunda.
Para sa karagdagang updates, mag –log on sa www.abs-cbn.com and follow @abscbndotcom
sa Twitter.
No comments:
Post a Comment