Friday, July 9, 2010

Supreme Court Spokesperson Midas Marquez on the Bottomline

Ngayong Sabado sa The Bottomline with Boy Abunda, ang Supreme Court spokesperson and Court Administrator na si Midas Marquez ay matapang na haharap at uupo sa hotseat at sasagutin ang mga matitinding tanong ng mga Bottomliners.

Maraming isyu ang bumabalot ngayon sa Korte Suprema lalo na sa pagkaka-appoint kay Renato Corona bilang pinakabagong Chief Justice. Marami ang sang-ayon, maraming kuro-kuro, maraming opinyon. May mga nagsasabi pa na tuluyan nang hawak ni Congresswoman Gloria Arroyo ang Korte Suprema dahil 14 out of the 14 justices ay kanyang appointees. Ano ang magiging epekto nito sa pagpasok ng bagong administrasyon? Ano ang magiging epekto ng hindi pagkilala ni President Noynoy Aquino kay Chief Justice Corona, sa pamamalakad at sa pang-araw araw na buhay ng mga Pilipino?

Tatalakayin din ang ilan sa mga matitinding kasong nakasamapa ngayon sa Korte Suprema tulad ng sa kaso ni Jonas Burgos, ang Maguindanao massacre at ang di umano'y special treatment sa mga Ampatuans, at laganap na journalist killings at marami pang iba.  Mabagal ba talaga ang takbo ng hustisya dito sa Pilipinas? Hindi na ba ito mababago? Wala na bang ibibilis pa ang sistema ng Korte Suprema? At ano ang masasabi ni Midas Marquez sa pananawa ng karamihan na ang hustisya ay nakakamit lang ng mga mayayaman at makapangyarihan?

Lahat ng ito at marami pang isyu at kontrobersya tungkol sa Supreme Court ang tatalakayin ni Boy Abunda sa The Bottomline.

Bookmark and Share
Subscribe to RSS FeedFollow me on TwitterEmail Me

Enter your email address:


Delivered by FeedBurner

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles