Matatandaang sina Pimentel at Zubiri ang nagtunggali sa ika-labing dalawang puwesto ng senado noong 2007 elections at naging mainit na paksa ang naging dayaan diumano sa ilang presinto sa Maguindanao. Naging kuwestiyonable ang pagkakaroon ng halos 95% na boto'ng nakuha ni Zubiri sa Maguindanao, at 87% lang sa Bukidnon na siya naman niyang balwarte at probinsya. Matapos ang ilang pagsisiyasat ay narecover ni Pimentel ang mahigit 257,000 na boto sa 22 presintong kinuwestiyon, sapat na numero para maungusan at malamangan si Zubiri. Pero isang kontra-protesta naman ang ihinain ni Zubiri na kumekuwestiyon sa halos 73,000 na presinto. Ang numerong ito ay halos one-third na ng total precinct numbers ng bansa. Isang bagay na pinuna ng kampo ni Pimentel at tinawag na "delaying tactic".
Naihain na sa Senate Electoral Tribunal ang naturang kaso, bulung-bulungan ngayon na may kinalaman ito sa nalalapit na botohan para sa Senate Presidency. Pinag-uusapan din na diumano'y may nagaganap na ligawan at agawan ngayon sa Senado para mapaburan ang kanya-kanyang mga interes. Ngayong Sabado, matapang na sasagutin at hihimayin ni Senator Zubiri ang mga akusasyon at intrigang ito. Totoo bang si Senator Kiko Pangilinan ang kanyang iboboto para maging Senate President? Totoo bang delaying tactic lang niya ang pagsampa ng protesta laban kay Koko Pimentel? At may balak ba siyang tumakbong presidente balang araw?
Ang lahat ng ito ngayong Sabado na sa "The Bottomline with Boy Abunda", pagkatapos ng Banana Split.
No comments:
Post a Comment