Tuesday, January 19, 2010

Tondo Boys’ football dream on The Correspondents

Bukod sa basketball, isa nanamang banyagang laro ang kinahuhumalingan ngayon ng mga Pilipino – ang football. Ang mga larong tulad nito raw ang unti-unting pumapalit sa mga larong Pinoy tulad ng patintero,luksong-tinik at sipa.

Ngayong Martes (Jan 19) sa “The Correspondents,” samahan si Dominic Almelor sa kaniyang pagsabak sa football kasama ang mga batang nahihilig dito at umaasang maiaangat ang buhay sa paglalaro nito.

Si Joseph, Roberto, at Christian ay pare-parehong laking Tondo at ngayo’y masigasig na naglalaro ng football bilang miyembro ng Futkalero team. Ani Roberto, hindi hadlang ang kahirapan sa larong ito. Sa katunayan, si Joseph ay star player ng football sa Arellano University.

Lahat sila umaasang kilalanin ang kanilang koponan balang-araw. Silipin ang kanilang pangangarap ngayong Martes (Jan 19) sa “The Correspondents” pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN. Para sa iba pang updates sa The Correspondents http://thecorrespondents.multiply.com.
Bookmark and Share

Subscribe to RSS FeedFollow me on TwitterEmail Me





Enter your email address:

Delivered by FeedBurner

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles