Taliwas sa proposed calendar ng Commision on Election (COMELEC) na ang schedule poll automation training ng mga teachers, election officers and canvassers para sa 2010 election na dapat ay gagawin sa January 14 hanggang March 1 ay naurong sa February 18-20 dahil sa panahong ito ay hindi pa rin natratrain kahit ang mga election officers na dapat ay nagtuturo na sa mga teachers na uupong front liners sa election sa May 10. Ang tanging paliwanag na lang ng COMELEC ay hindi pa natatapos ang manual na siyang dapat gamitin sa training. Pabor ang pag-urong ng petsa ito ang pananaw ni Attorney Adolfo Ibanez ang Director ng Personnel Department ng COMELEC, ayon sa interview niya sa TV Patrol World ay mas gusto niyang later (date) dahil maaaring makalimutan ng mga guro at mga election officer ang natutunan nila pagdating sa araw ng election kung masyadong maaga ang training nila. Pero ayon kay Ibanez ay siguradong matutuloy ang bagong schedule na inilabas nila kaugnay sa training ng mga taong involve sa 2010 election.
Bukod sa training schedule ay nausod din ang mga ilang schedule base sa inilabas na automation timetable na nilabas ng COMELEC:
Field Test 1: November 28, 2009 to January 19, 2010
Mock Election: December 12, 2009 to January 30, 2010
Printing of Ballots: January 7-April 18, 2010 to January 25 to April 25, 2010
Blogger’s Point of View
Atrasado at kampante, sa ganitong paraan mailalarawan ang proseso ng COMELEC pagdating sa automation timetable na ipinakita nila noon. Atrasado dahil ilang beses na rin nagkaroon ng pag atras at pag lipat ng schedule na dapat ay naumpisahan na ng maaga pa kung sakaling may mga loopholes at problema ay may solusyon na agad. Kampante rin ang COMELEC dahil hindi nila inaalintana ang delays ng mga activities na ginawa na dapat nila at hindi nila inisip ang maaaring maging resulta ng pag-uurong. Pero ayon sa kanila sigurado sila na maaayos nila ang lahat bago ang lahat ng bagay bago ang May 10, sana nga at walang maging problema at nang walang maging turuang magaganap kasi ganito naman lagi na ok lang mag move at delay pero pag may problema e-eeny, meeny, miny, moe na naman tayo sa senado at kongreso.
No comments:
Post a Comment