Pagkatapos ng Katorse, ang ‘Tanging Yaman’ ang ikalawang teleseryeng pagbibidahan ni Erich Gonzales. Bilang ‘Fina’, ipakikita niya kung paanong ang isang dalaga na laki sa hirap ay kayang gampanan ang papel at tungkulin ng tunay na ‘First Daughter’.
Bukod kay Erich, Melissa Ricks, Ejay Falcon, Enchong Dee, Matt Evans at Ron Morales., magsasama ang ilang sa mga batikang soap opera stars ng Philippine television: Rowell Santiago, Agot Isidro, Jodi Sta. Maria, Nonie Buencamino, Mylene Dizon at Leo Martinez.
Ang istorya ng ‘Tanging Yaman’ ay mag-uugat sa isang insidenteng gugulo sa buhay at kapalaran ng dalawang pamilya. Ang isang pamilya ay yayaman at giginhawa, habang ang isa ay masisira at masasadlak sa kahirapan. Mamumuhay sa kahirapan si Fina (Erich Gonzales) habang si Isabel (Melissa Ricks) naman ay dadanas ng marangyang kapalaran. Sa pagkakabunyag ng katotohanan, na si Fina (Erich) ay ang tunay na anak ng presidente (Rowell Santiago), papalitan ni Fina (Erich) ang lugar na inangkin na ni Isabel (Melissa), ang pagiging ‘First Daughter’.
Hindi magiging madali ang lahat para kay Fina, sa kanyang pagbabalik sa kanyang tunay na mga magulang, makakaharap niya si Isabel (Melissa) at ang nanay nitong si Leona (Mylene Dizon). Sila ang magpapahirap kay Fina (Erich).
Sa direksyon ni Lino Cayetano at Manny Palo, tiyak na magiging kaabang-abang lahat ng mga eksenang magaganap sa programang pagbibidahan ng Next Primetime Princess. Magsisimula na ang Tanging Yaman sa January 11 sa ABS-CBN.
Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com and tangingyamantv.multiply.com.
No comments:
Post a Comment