In-denial at apathy ito ang sakit ng karamihan na kung saan ang bawat araw na hindi natin pagkilos para solusyunan ang problema sa solid waste management, misuse of energy, deforestation, at tahasang carbon emission sa mga factory, sasakyan at kahit sa simpleng panununog ng mga plastic ay nakakaepekto sa kalikasan. Naging lax ang tao sa issue ng kalikasan na kung saan tulad ng linyang “Garbage in, Garbage out” nakita natin it okay Ondoy at Pepeng, kung ano ang pinakawalan nating basura sa tubig, hangin at lupa ay siyang babalik sa atin para maningil. Sa interview ko kay Amalie Obusan ng Greenpeace Philippines na isang omen si Ondoy na kung saan nagdala ito ng malakas na pag ulan na kung saan hindi pa nararanasan ng bansa noon dahil ito sa epekto ng climate change na kung saan ang dating nakasanayan natin sa klima ay nagbabago na at minsan nagiging mas mapanira na. Sinang ayunan ito ng Jose Ma. Lorenzo Tan ng WWF Philippines at ayon sa kanya nakikita na natin ang epekto ng climate change sa pamamagitan ng mga bagyong darating sa bansa at mga pagbabago ng klima sa buong mundo.
Pandora’s box, ito ang paglalarawan ni Lory sa usapin ng climate change na kung saan naging pabaya ang mga tao sa kalikasan na kung saan nariyan ang walang pakundangang pagtatapon ng basura kahit saan, ang mga maiitim na usok mula sa pabrika at mga sasakyan na taliwas sa pinapatupad ngayon na Clean Air Act sa bansa, at ang malawakang pagkakalbo ng mga bundok na kung saan marami na ang nasawi dahil sa landslide.
Ngayong December 7, magsasama sama ang lahat ng mga world leaders para sa tinatawag na United Nation Climate Summit o mas kilala sa Copenhagen Summit para talakayin nila ang usapin ng climate change at ang pagkakaroon ng policy na pangalagaan ang kalikasan, at ang usapin nito ay involve ang economy ng mga bansang nakadepende ang kanilang ekonomiya sa paggamit ng fossil fuels na major contributor ng carbon emission na nagcacause ng climate change. Pero kung maaalala natin noong 2000 ay nagkaroon ng United Nations Millennium Summit at nagkaroon ng 8 Millennium Development Goals na pinag usapan at binuo ang 189 world leaders kabilang ang pinakamakapangyahiran at mayamang bansa na United States of America hanggang sa pinaka poorest na bansa na South Africa, kabilang din ang Pilipinas dito. Pang- 7 sa MDGs ay “To ensure environmental sustainability” na kung saan sa katotohanan ay directly involve ang usapin ng climate change dito, at tulad ng isang domino na nakatayo ay may epekto rin ito sa iba pang MDGs ng UN, tulad ng eradication of poverty na kung saan sa pamamagitan ng kalamidad ay nakakaepekto ito direkta sa mga taong biktima ditto, ang universal education na kung saan maraming nasirang gamit sa paaralan at mismong mga schools, reduce child mortality, maternal health and combat diseases na kung saan dahil sa mga extreme weather events na nagdudulot ng pagbaha ay nagiging dahilan ng mga water borne diseases like diarrhea, malaria and dengue that causes death of children especially those in the age of 5 below, and also for women.
No comments:
Post a Comment