Friday, December 11, 2009

Pushing for Change with Kuya Ef on December 11

December 11 sa Makati Avenue, isang malaking hero's welcome ang ibibigay ng taong bayan para sa CNN Hero of the Year na siyang nagtulak para maabot ng edukasyon ang mga kabataan sa Cavite City kasama ang mga volunteers ng Dynamic Teen Company. At ito rin ang sama sama nating pagkondena sa massacre na naganap sa Maguindanao at sa pag asang mababago at magiging systema pulitika ng bansa.

Magkakaroon ng Konsyerto ng Pagbabago sa Makati Avenuena kung saan magklikita kita tayo sa Ninoy Aquino Monument na kasama natin sina Juan Change, Spongecola, Moonstar88, Session Road, Jim Paredes, Boboy Garrovillo, Cooky Chua & Color it Red, Noel Cabangon, Rey Valera, Drae Ybanez, Peryodiko, Miko Pepito, Kadangyan, Paul Zialcita & the Aquadrummerz and more surprise guests!: Bukod sa mismong concert ay magkakaroon ng symbolical na pagtutulak ng kariton sa pangunguna ni Kuya Efren at mga members ng Klasrum Kariton program ng DTC. Inaanyayahan ang lahat na sumali sa kampanyang ito na kung saan ang lahat ng dadalo ay kailangan magdala ng picture na pwedeng idikit sa democracy wall at mga gamit sa school na pwedeng i-donate sa Klasrum Kariton program.



Nanalo si Efren bilang CNN Hero of the Year noong November 23 sa Kodak Theater sa Hollywood. Bukod sa title na Hero of the Year at trophy na nauwi niya ay nakatanggap siya ng $100, 000 bukod sa $25, 000 na natanggap ng top 10 honorees na siyang finalist sa CNN Heroes 2009 na kung saan kasama si Efren.

Bookmark and Share

Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles