Kasama ang ilang mga personality mula sa ibang sector kagaya nila Carlos Celdran (Performing Artist), Tim Yap (Host/Editor), Sor Amy (daughters of charity if Vincent de Paul), Shola Luna (HIV Councilor for RITM), Malu Marin (Activist), Kristine Hermosa (Actress), RJ Ledesma (Editor), Joey Reyes (Director), Camille Villar (Youth Vote Philippines), Nicollo Cosme (Photographer), Wango Gallaga (Writer/HIV Positive), Dr. Eric Tayag (Director National Epidemology Center), Gelie de Belen (Actress), Eddar Chua (County Chairman Shell Philippines), Risa Hintiveros (Congresswoman), Noemi Leis (Information Manager), Robby Carmona (Fashion Designer) and Teresita Bagasao (UNAIDS-Philippines Coordinator). Kasama ang mga bloggers nakiisa rin sila sa kampanyang ito with other volunteers sa Move project na ito; Joriben Zaballa (Entertainment/Hobbyist) Ronald Guanzon (Hobbyist), Mark Cerbo (Hobbyist), Jane Tenefrancia Uymatiao (Mom/Advocacy), Ryan Jonson (Event/Mom), Jeff Villafranca (Tech/Gadget) Bernardo Arellano III (Travel), and Flowell Galindez (Advocacy/Entertainment).
Kasama ang AIDS sa UN Millennium Developmental Goal na kung saan kasama ng Malaria, Tuberculosis at iba pang sakit at pasok sa UN MDG number 6: Combat AIDS, Malaria and other diseases, pero sa kabila ng kampanyang ito na inaasahang magiging successful ang UN MDGs ay nakakabahala dahil sa bawat pagdaan ng panahon ay nadadagdagan ang bilang ng mga may AIDS sa buong mundo at sa Pilipinas ay mayroong estimated na 3,911 HIV+/AIDS reported cases as of May 2009 by National Epidemiology Center at 89% dito ay dahil sa unsafe sex, habang ang natitira ay sa pamamagitan ng blood transfusion, contaminated needles, breast milk mula sa taong may AIDS. Habang 72% dito ay male, ang age bracket for males is 25-29 years old as first from the chart followed by 30-34 years old and 20-24 years old is ranked as third, ito ang mga age na nagiging HIV+. Nagiging mas bata ang edad na nagkakaroon ng virus dahil na rin sa pagiging ma-explore ng kabataan, ayon kay Teresita Bagasao (UNAIDS-Philippines Coordinator), kailangan mag umpisa sa mga bahay ang pagtuturo ukol sa usapin ng aids at pagtatalik. Kailangan maging bukas ang magulang sa kanilang mga anak sa ganitong usapin para maging aware sila sa mga maaaring maging resulta ng mga bagay na maaaring pasukin nila.
"Modern Lepers” ito ang tingin ng ibang mga tao sa mga may AIDS, dahil na rin sa kakulangan ng awareness pero sa kabila nito ay may mga taong lumabas para tumayo at mag advocate sa issue ng AIDS, tulad ni Eric Bordeos, HIV Positive sa aking World Aids Day post: Confession of an HIV Positive na ngayon ay isa nang volunteer at umiikot sa iba’t ibang lugar para mag educate sa mga kabataan sa usapin ng AIDS, kasama ang mga volunteers ay binuo nila ang website na http://www.positivism.ph sa pangunguna ni Shola Luna na isa ring HIV Positive na nagkaroon din ako ng chance makausap, na ang tanging mensahe na gusto niyang mag ingat at gumamit ng contraceptives pagdating sa pakikipagtalik.
Ang usapin ng AIDS ay hindi lamang nakatuon sa mga taong meron nito, kundi para sa lahat. Hindi mo kailangan maging HIV Positive kagaya nila Eric, Shola, Wanggo at marami pang iba para tumayo at manindigan sa issue na ito. Isa ang HSC Project na MOVE sa kampanyang ito kasama ang almost 150 volunteers na nagbigay ng mukha sa laban ng AIDS, ikaw rin may magagawa ka, ikalat mo ang impormasyon at opinyon at hindi ang sakit na AIDS. Patuloy makikiisa ang blog na ito at may akda sa laban ng AIDS sa lipunan at patuloy magiging daan sa pagpapasa ng balita at impormasyon sa mga nagbabasa ng blog ko. Ang Move Exhibit ay makikita sa Greenbelt 5 fountain area from Dec 9-14 at para makita ang mga naging parte sa project na ito visit http://pbase.com/headshotclinic/hscmove.
No comments:
Post a Comment