Anuman ang kaharaping pagsubok, dumaan man ang kalamidad or krisis, nananatiling matibay ang mga Pilipino. Iyan ang ipinakita ng ilan sa ating mga kababayan ngayong taon.
Samahan si Bernadette Sembrano sa paglalahad ng iba't ibang kuwento ng pag-asa na nagpapakita ng pagka-"palaban" ng mga Pilipino ngayong Martes (Dec 29) sa "The Correspondents."
Buong taong 2009 ay tinalakay ng "The Correspondents" ang mga kaganapan at realidad sa bansa na talaga namang sumubok sa lakas ng loob at puso ng sambayanan. Nariyan ang krisis sa ekonomiya at ang pananalanta ng Bagyong Ondoy. Nariyan din ang patuloy na paglaban ng mga cancer patients at ang pagsisikap ng mga working students.
Ngunit sa kabila nito, hindi pa rin sumusuko ang lahing Pilipino. Si Aling Domnina, maski may edad na ay tuloy ang paghahanapbuhay matapos matanggal sa trabaho dahil sa resesyon. Si Lola Soledad, unti-unting bumabangon pagkatapos ng bagyo sa pamamagitan ng munting kainan kung saan kunukuha sila ng panggastos sa pangaraw-araw.
Ang cancer patient na si Fe naman, hindi nawawalan ng pag-asang makakakuha siya ng lunas sa kaniyang sakit. Lalo na't may posibiliad na madala siya sa Fuda Cancer Hospital, ang tinaguriang Mecca ng mga may cancer, sa tulong ng kapwa Pilipino.
Samantala, si Carmelo naman, walang pagod na ipinagsasabay ang pag-aaral at pagtratrabaho sa kagustuhang umasenso. Lahat sila ay dumanas ng pagsubok, at nananatiling palaban.
Kilalanin sila ngayong Martes (Dec 29) sa "The Correspondents," pagkatapos ng "Bandila" sa ABS-CBN.
No comments:
Post a Comment