Monday, November 23, 2009

The Correspondents special report on diabetes this Tuesday

Mahigit dalawang milyong Pilipino ang nanganganib mabulag, magkasakit sa puso, maputulan ng paa, o di kaya’y ma-stroke dahil sa sakit na diabetes, ang karamdaman na iniinda ni Gary Valenciano. Ang masaklap dito ay nanatiling kakaunti ang kaalaman nila tungkol sa kanilang sakit.

Ngayong Martes (Nov 24) sa “The Correspondents” alamin kung paanong unti-unting inuubos ng sakit na itong dala ng sobrang tamis, ang mga buhay ng maraming tao sa bansa.

Dahil sa kakulangan sa kaalaman tungkol sa diabetes, marami ang isinawawalang bahala ang sakit na ito. Pero ayon sa Philippine Center for Diabetes Education Foundation, bata man o matanda, nasa lahi man o wala, maaaring magkaroon ng diabetes basta sobra kumain ng matamis at hindi mabuti ang pag-aalaga sa kalusugan.

Dalawa sina Bernadette Mendoza at Avelino Cernechez sa mga nagdurusa sa mga komplikasyong dala ng diabetes ngayon. Ngunit kung si Bernnadette ay positibo ang paningin sa buhay dahil sa suporta ng pamilya, si Avelino naman ay gusto nang tapusin ang buhay lalo na’t nahaharap na maputol ang kanyang kanang paa sanhi ng isang sugat na hindi gumagaling.

Para sa iba pang isyung tinalakay sa programa, pumunta lang sa http://thecorrespondents.multiply.com. Samahan si Jing Castañeda sa isang makabuluhang pagtalakay sa sakit na sa una ay sinasabing matamis pero pagdurusa ang kapalit sa “The Correspondents” ngayong Martes (Nov 24), pagkatapos ng “Bandila” sa ABS-CBN.
Bookmark and Share

Subscribe to RSSPhotobucket

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles