Tuesday, August 25, 2009
Senator Miriam Defensor Santiago strikes (back) on infomercials
Matapos ang ginanap na Senate inquiry ni Senator Miriam Defensor Santiago kasama ang mga cabinet secretaries sa pangunguna nina Vice President Noli de Castro, Department of Health Secretary Francisco Duque at Metro Manila Development Authority Secretary Bayani Fernando Jr., ay muling binalikan ni Defensor ang kanyang pagpuna sa mga infomercials na lumalabas ngayon na kung saan kasama pa rin ang mga cabinet secretaries.
Sa isang session sa Senado noong August 24 ay ipinakita niya ang mga infomercials ng mga cabinet secretaries at isa isa nitong pinuna, nangunguna dito ang infomercial na ginawa ni Technical Education and Skills Development Authority Chairman Augusto L. Syjuco Jr. na kung saan pinuna ni Defensor ang pagsayaw ni Syjuco kasama ang singer actress na si Sarah Geronimo na kung saan umabot na ng 8.3 Million na ang nagastos sa paggawa ng infomercials hindi pa kasama dito ang paglabas nito sa mga TV Networks. Matapos ni Syjuco ay sinunod naman ni Defensor ang infomercial ni Ronnie Puno, Department of Interior and Local Government Secretary, “sobrang kapal pa ng make up” ito ang nabanggit ni Defensor na kung saan ay gumatos si Puno ng 0.9 Million mula 2008 hanggang 2009 para sa kanyang infomercial at ginamit din niya ang pondo ng DILG sa kanyang mga media greetings. Mula 2008 hanggang 2009 ay umabot na ng 118 Million na ang nagagastos ng mga cabinet secretaries para sa kanyang info ads at hinihiling ni Defensor na tanggalin ang budget para sa advertising ng mga government agency. Bukod doon ay pinansin din ni Defensor ang info ad ni Makati Mayor Jejomar Binay
Habang pinuna naman ng Senator Dick Gordon at ang mga kasama niya sa Senado na sina Manny Villar at Mar Roxas.
Blogger’s Note:
Kulang kulang dalawang buwan na lang ay mag uumpisa na ang pagpa-file ng candidacy ng mga politikong nagnanais na tumakbo sa 2010 election at nagiging daan ang infomercials para sa maagang pangangampanya. Pero aminin natin noong bago pumasok ang 2009 mayroon ba tayong nakitang infomercials noon na ganito karami para ibalita ang mga serbisyo pampubliko ng mga ahensya ng gobyerno para makatulong sa mga Filipinong nangangailangan nito? Muli nagtatanong lang po hindi po ba ito taktika ng maagang pangangampanya sa nagbabalatkayong info ads na nakikita natin sa TV, dyaryo, billboards, internet at naririnig natin sa radyo? At kung nais nilang talaga tumulong at i-inform ang mga tao bakit kailangan ngayon lang at hindi noon pang nag uumpisa pa lang ang mga termino sa kanilang panunungkulan? Muli nagtatanong lang po at sana huwag natin linlangin ang bayan na siyang nagbabayad ng buwis na it happens ito ang nagagamit sa ibang infomercials.
4 comments:
I agree with your "wari". But you know what here's my take.
"How I wish Filipinos can be more intelligent to understand that their votes are being bought through these propagandas. but really on the other hand majority of people don't understand that. in fact because of that manny villar went to top 1 in the presidentiable surveys. because no matter how we try to disagree with what they're doing, it still works. it still makes politicians win!
I'm just happy we have a vocal senator who's not afraid to say the TRUE and REAL stuff.
Good JOB Maam Miriam!
tama naman talaga.. bakit naman kasi ngayon lang naglabasan yang mga info ads na yan! tsk tsk! pasaway talaga ang mga nasa gobyerno. for sure, lahat ng may mga tv ads na yan eh tatakbo sa 2010.. tsk tsk
Good thing we have Miriam. Although have you noticed that this is her tactic naman whenever elections are near? wala ka din itulak kabigin!
our election laws ought to be reformed. but that's a hard thing to accomplish.
Post a Comment