Tuesday, August 18, 2009
On Saving Earth: “There are so many choices that people can make, and everyone has a commitment to make”
One on One with WWF-Philippines CEO, Jose Maria Lorenzo Tan
(As posted on angsawariko.blogspot.com and flowgalindez.com, and filipinovoices.com)
Ang bawat isa ay may responsibilidad na kailangan gawin para maisalba pa ang kalagayan ngn ating Inang Kalikasan, last August 15 ay nagkaroon tayo ng pagkakataong makausap ang Chief Executive Officer ng WWF Philippines (Kabang Kalikasan ng Pilipinas) na si Jose Maria Lorenza “Lory” Tan at pinaunlakan tayo ng ilang minuto para sagutin ang mga ilang katanungan ukol sa mga proyekto at mga adhikain ng WWF dito sa bansa.
Naging priority ng WWF-Philippines ang marine life na kung saan ito ang siyang pumapalibot sa Pilipinas. Ayon kay Lory bukod sa marine life at species ay kasama rin sa ang energy conservation at usapin ng illegal logging sa kanilang mga binabantayan ngayon, bukod dito mas gusto nilang tignan ang mas malalim sa kadahilanan kung bakit nagaganap ang mga bagay na ito, at iyon ang human footprint. Ang alamin ang ugat sa pamamagitan kung kanino nagmula ang mga bagay na ito ang pagtatapon ng basura, dynamite fishing, at maraming iba. Dahil kung mismong magfofocus na sila kung ano ang resulta at hindi titignan ang cause ng problema ay hindi nila maaayos ito.
Noong 2008 ay hinanggan ng buong mundo ang Pilipinas na kung saan ay humigit sa 15 Million ang nakiisa sa taunang Earth Hour tuwing ika huling Sabado ng Marso, ayon kay Lory hindi na siya magugulat kung paano naging active ang mga Filipino pagdating sa bagay na ito, dahil bukod sa matalino ang mga Filipino patungkol sa ano ang makakabuti para sa kanila ay alam din nila na may problema, at iyon ay nararamdaman na ng mga kababayan nating nasa mababang lugar, ang suliranin ng climate change.
Last July ay kasama ng Nido Discovery Center at Mall of Asia ang WWF Philippines at inilunsad nila ang isang documentary na ang title ay Ice World, inilarawan ng documentary na ito ang epekto ng Global Warming sa buong mundo at ang mga pangunahing mga manonood dito ay ang mga kabataan. Sinabi noon ni Lory na hanggang maaga ay maging mulat na ang mga kabataan patungkol sa kalagayan ng Inang Kalikasan kaysa kung sa mantanda na sila at huli na ang lahat.
Para kay Lory, ang tanging pinagkaiba lang ng Greenpeace at PETA sa WWF ay dalawang bagay lang at iyon ay ang focus nila sa kanilang mga proyekto at ang lugar kung saan sila ay matatagpuan ngayon. Walang magaling o nangunguna, ayon kay Lory ang bawat isa ay may responsibilidad na magagawa na isa lang ang adhikain at iyon ay ang maisalba pa ang kalikasan. Ang tanging inaasam lang ni Lory na 5 years or 10 years from now na ang mga noong tinulungan nila ay magawang ipagpatuloy ang mga nasimulan ng WWF sa kanilang community na sa kanila mismo ay kikilos sila para pangalagaan ang lugar nila present man o hindi ang WWF.
Narito ang kumpletong panayam ko kay Jose Maria Lorenzo Tan ng WWF Philippines.
Para maging volunteer o makapagdonate sa WWF-Philippines visit www.wwf.org.ph
Blogger’s Note:
Nagpapasalamat ang author sa pagpapaunlak ni Ginoong Jose Maria Lorenzo Tan ng WWF Philippines sa interview na ito na kung saan ay isang malaking bahagi ng Advocacy section ng Filipino Voices.
No comments:
Post a Comment