Wednesday, June 3, 2009
Katorse, sunod na lebel para kay Erich Gonzales
Dumating na ang pinaka-malaking break ng Star Circle grand questor at Star Magic talent Erich Gonzales matapos ang mahabang paghihintay. Gaganap si Erich sa isang lead role sa “Katorse,” ang sexy drama series remake ng coming-of-age film ni Joey Giosiengfiao noong 80s.
Sa ilalim ng direksyon ni Malu Sevilla, kasama ang Pinoy Big Brother Teen Edition Plus winner na si Ejay Falcon at model-athlete Xian Lim, bibigyang-buhay muli niya ang karakter ni Nene, isang katorse anyos na babaeng mapapagdaanan ang mga mahihirap na pagsubok sa buhay sa murang edad, na unang ginanapan ni Dina Bonnevie sa pelikula.
Wala ng mas ika-sasaya pa si Erich noong ibinigay sa kanya ang proyekto.“Alam naman po nating lahat na ang tagal kong naghintay, kaya I’m so thankful and I feel so blessed,” kwento niya. “At sa dinami-dami po ng artista ngayon, ako pa po ang napili.”
Sapagkat ito ang unang pagkakataong nabigyan ng starring role si Erich, magiging napakachallenging nito para sa kanya, lalo na’t may mga kissing at iba pang love scenes na kelangan niyang gawin kasama ang kanyang mga leading men na sina Ejay at Xian. Ngunit sa tulong ng pakikipagbonding at workshops kasama ng mga leading men niya, nakakatulong ito sa pag-alis ng mga hiya nila at paghasa ng kanilang pag-arte. “I’ve also watched the original film Katorse and I try to study acting techniques from films and TV shows that are related to what I’m going to do,” dagdag ni Erich. “For example, pinanuod ko yung The Reader ni Kate Winslet. I needed that.”
Ang tanong ay ito na nga ba ang simula ng pagtahak ni Erich sa pagpapaseksi? “They (people) always ask me kung talagang magpapasexy na ako,” sagot niya. “For me naman kasi, kung kelangan sa role, okay lang. Konting skin, konting reveal, but not totally like bold.” Nabanggit din niyang nabigyang blessing ito ng kanyang mga magulang dahil talaga namang sinusuportahan siya ng mga ito sa kanyang pag-arte.
Hindi man naranasan ni Erich ang mga pinagdaanan ng kanyang karakter, hindi ito balakid sa pagbibigay niya ng 100% sa proyektong ito. “Like I always say, napakaganda po kase ng story and I think na madami pong matututunan yung manunuod especially the teens who forget to be careful of their actions and responsibilities,” paliwanag niya.
Abangan si Erich sa kanyang pinakamalaking role sa Katorse sa Hunyo 8.
No comments:
Post a Comment