Matapos ang nakaraang unang Countdown to 2010 an ANC Leadership last May 11, 2009 na ginawa sa Leong Hall sa Ateneo de Manila University ay ginawa naman ngayon (June 5, 2009) ang ikalawang leadership forum sa School of Economics sa University of the Philippines Diliman kasama sina Senator Loren Legarda, former President Joseph Ejercito Estrada, Makati Mayor Jejomar Binay at Metro Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando.
The shocking revelation
Since the 1st ANC Leadership Forum sa Ateneo, unang inimbitahan si Senator Ping Lacson para maging parte sa panelist pero nagdecline sya, at muling nagdecline sa sa pangalawang inbitasyon pero nagbigay siya ng statement na mag-wiwithdraw siya planong tumakbo sa presidential race sa 2010. Nagbigay sila ng kanyang statement at narito ang ilang mga points sa mga sinabi niya:
• Ang kahirapan at ang kawalan ng serbisyo pangkalusugan, edukasyon at security ng nananayan ay hindi mabibigyang lunas ng mga pamumudmod ng mga tulong mula sa mga pulitiko sa panahong papalapit ang halalan.
• The country’s problem is government --- bad government.
• If we hope to solve the problem of most of the 90 million Filipinos we should set government right.
• Correcting government in not come easy, if it does not start with the leader himself.
• The poor is deluded in believing that throwing candies and giving instant noodles or occasional health in distress is the be all and end all of public service.
• Mas mahalaga ang integredad sa isang tulad kong inihalal ng bayan upang maglingkod ng tapat at walang halong pag-iimbot.
• Magkaisa po tayong tumulong sa isang taong batay sa karanasan at sa ugali ay alam nating hindi magnanakaw at hindi gagamitin ang kapangyarihan hiram para magpakasasa sa pansariling interes. (on supporting a president chosen by wise voting)
Para kay Loren Legarda, partly ikinagulat niya ito dahil na iintindihan niya ang pinagdadaanan ni Lacson, ayon sa kanya ay hindi pa rin tatalikuran ni Ping ang nasimulan niyang mga adhikain at programa. Habang nalungkot ang dating Presidente Joseph Ejercito Estrada sa pag-withdraw sa presidential race dahil sa kanya ay isa si Ping sa mga qualified candidate para maging presidente na siyang noon Philippine National Police (PNP) chief pa ito ay nakatulong siya sa pagsugpo ng krimen sa bansa. While Makati Mayor Jejomar Binay says he respect the observation of Ping in terms of governance same with MMDA Chairman Bayani Fernando assures his respect to the decision of Senator Lacson.
Narito naman ang mga puntos mula sa mga miyembro ng panel:
Former President Joseph Ejercito Estrada
• Hindi pa siya nagdedeclare na tatakbo sa 2010 election.
• Sinusubukan niyang pag-isahin ang opposiyon na magkaroon ng isang presidential candidate para oposisyon para hind imaging hati hati ang boto ng tao.
• “Everybody can change his mind” (On the topic on not running again for the position).
• It is very clear that they force me out of the office and everybody believes I’m ousted (On the issue of his ousting).
• I was not convicted because of 4 Billion; I was convicted because of receiving commission from jueteng.
• He doesn’t believe in the justice process during his trial but he needs undergo the process because that’s the only way.
• Hindi ko maiiwan ang milyun milyong Filipino, ang mga masang Filipinong bumoto sa akin. (noong he was offered to leave the country after stepping down)
• I still believe in my program of government. (If he became the president again).
• I only want to amend the economic provision of the nation on land ownership (During his administration, on the topic of amending the constitution).
• His parents, his mother are his greatest influence in life.
Senator Loren Legarda
• Maliwanag sa alam ko ang problema ng bansa, at handa akong tumulong para maresolba ang mga ito. Kung bibigyan ako ng pagkakataon na pag uusapan ko ang mga gagawin ko sa ating bansa. 1. Good governance, transparency ang accountability ang kailangan sa bansa, 2. Kailangan ng sustainable at equitable socio economic development, 3. Pagbigay ng proteksyon sa ating fragile environment, 4. Cultural renaissance, kailangan magkaroon ng pride ang Filipino. (On the question if she’s running for 2010).
• Walang atrasan ang paglilingkod sa bansa, nasa ICU situation.
• If given a chance to became a president sa agriculture siya magfo-focus para masustentuhan ang pangangailangan ng bansa sa pagkain.
• Hindi dapat baguhin (culture), ngunit kailangan mas bigyan focus dahil we are rich in culture. “Cultural renaissance will give the youth right away the pride who we are”
• Walang bagay na hindi nating kaya gawin kung tayo sama sama, tulong tulong at may may lider tayong titingalain natin, isang lider na hindi magnanakaw, hindi gagamit ng kaban ng gobyerno para sa pansariling kapakanan.
• I’m definitely in the opposition (on the question where is she on the political spectrum)
Makati Mayor Jejomar Binay
• He is willing to slide down kung may napiling iba ang oposisyon na maging presidente.
• My advocacy is having a strong local government. (If he become a president)
• Hindi kailangan i-revise ang constitution dahil ang problema at nasa enforcer at enforcement ng constitution.
• Give the power to the officials who are nearest to the people. (On the topic of empowering local government).
• “Aansenso ang bansa sa tamang pamamahala”
MMDA Chairman Bayani Fernando
• Ang hindi mo magagawa sa Marikina ay hindi mo magagawa sa Pilipinas
• Ako na ang karapat dapat (maging presidente) dahil ako lang ang nangahas mag declare na kumandidato, at ang Kampi ay wala pa. (On the topic of marriage of Lakas-Kampi CMD)
• I am above the law, I am abide the law (He mistakenly changes the term abide from abide)
• He supports constitutional convention, but he is still on the presidential system.
• The government should use public money for election, para wala nang babawi.
• I know the good moves of the administration and the wrong moves (on the question if he supports the administration)
• His closest adviser is his wife.
On the issue of lack of jobs and migration
Jejomar Binay – Migrants leave the country not of choice but out of necessity.
Loren Legarda – There is no problem of migration, it is part of globalization.
Joseph Ejercito Estrada – We should focus on agriculture.
Bayani Fernando – Para matugunan natin ang problema natin sa unemployment kailangan natin gawin ay make local, buy local and export.
Like on the 1st ANC Leadership Forum, I wanted to record this part and wanted the readers na kayo mismo ang makarinig ng mga mensahe nila punto por punto pagdating sa issue ng Reproductive Health Bill at ang issue ng corruption ng Arroyo Administration) Please bare with the audio again it was recorded through my mobile phone.
Tulad ng naunang leadership forum, narinig natin ang mga ideas at principles ng mga panelist, narito ang konting observation mula sa mga sinabi nila:
• Bayani Fernando – Sadly it seems hindi siya prepare sa mga questions na binabato sa kanya and he ends up mali mali or malabo ang mga sinasabi niya.
• Loren Legarda – Idealistic ito ang ipinakita niya sa forum, na kung saan gusto niyang pagtuunang pansin ang kultura at environmental resources, pero the way she says it parang nakikita na rin natin ang mga bill na ipapasa niya kung sakaling maging pangulo siya ng bansa.
• Jejomar Binay – De-centralize government and empowering the local government, if mangyayari ito handa ba ang administrasyon niyang bantayan lahat at tutukan ang mga issue ng over use of power at corruption.
• Joseph Ejercito Estrada – May karapatan magbago ng isip ang isang tao, pero still hindi pa rin klaro para sa lahat kung tatakbo ba siya o hindi sa 2010 election.
Marami silang nasabi gayun din mga adhikain nila para sa bansa ang tanging tanong lang nating lahat katulad ng naunang leadership forum, sa mga sinabi nila kaya ang mga gagawin nila, alin ang babaguhin nila at alin ang mga inilista lang nila sa hangin, isang maselang proseso ang election na kailangan nating bantayan ang bawat kibot at kilos ng mga tatakbo para sa posisyon dahil nakasalalay sa kanila ang anim na taong kinabukasan ng bansa at kinabukasan natin at ng mga pamilya natin. Isang paalala lang ng may akda ay makiisa tayo sa prosesong ito, magparehistro para maging botante, mamulat sa mga issue ng bayan, bumoto ng tama at may paninindigan, at magbantay sa halalan hanggang sa may maupo at patuloy pa rin sa kanyang panunungkulan.
1 comment:
I am looking at your page to see your contact form or email address to contact you privately.
I am Ron of Merkado Network and we are inviting bloggers/site owners (especially filipino bloggers) to our money earning program in Merkado Shopping Network.
For more information, kindly visit http://aff.merkadonetwork.com or contact support@merkadonetwork.com
Post a Comment