Saturday, May 30, 2009
Vicky Belo itinanggi na siya ang naglabas ng sex video scandal ni Hayden Kho
Mariing itinanggi ni Dr. Vicky Belo na siya ang nagrelease ng video ng Hayden Kho kasama ang mga iba pang mga babae pati sa kanya. Ayon sa kanyang statement ay pumayag siya na kunan ni Hayden ang intimate moment nila granted na buburahin nila ito agad, at humingi siya ng tulong kina Erik Chua at Bistek Rosario para burahin ang video nila ni Hayden. Pero ang nangyari ay binigyan siya ni Erik ng DVD na ang laman ay mga sex videos ni Hayden kasama ang iba pang babae.
Pero inamin ni Vicky na updated at concern pa rin siya kay Hayden na dati niyang boyfriend. Ayon sa kanya ay mahal pa rin niya si Hayden at nasasaktan siyang Makita ang dati niyang kasintahan na nahihirapan. Sinagot rin niya ang statement ni Lolit Solis na sinusustentuhan niya si Hayden, ayon sa kanya hindi siya ganun ka-desperada para magmaintain ng lalaki. Ngayon ay nasa Paris France si Vicky para magshoot ng kanyang show na Belo 101.
No comments:
Post a Comment