![](https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEhcdyOldrcxFD5xxrc7gj5kwzn2rKCpJNDCSymLxJpsQv8gk2Vqy2tSFBqGzcK2Lx-XbYQDdfCBFSNsTVArLVsh8cFfjdbxAAbtLpn5Fa2i1dXWqwDT-hXYne2cvSI1RWHphyMU7_ZTeKg/s400/lakaskampicmd.jpg)
***
Hindi pa man tumatagal ang samahang ito ay may lamat na na kung saan ang ilang mga miyembro ay hindi pumunta dito. Sa akin lang ay panibagong circus ito na kailangan natin bantayan dahil ngayon pa lang ay marami nang nangyayari, ayaw ko pa magbilang kung hanggang kainlan sila tatagal, ieenjoy ko pa ang panonood ng sistema nila at prosesong gagawin sa kanilang pamimili sa bagong set ng pambato nila sa election. Dito rin natin malalaman kung nararapat ba silang suportahan? Gayon din sa oposisyon magbantay tayo sa kung sino ang maingay, kung sino maraming exposure at ang mismong proseso ng pamimili nila ng pambato ay bantayan din natin ito dahil sa ganitong pamamaraan ay makikita natin kung sino ang nararapat iluklok sa pwesto. Huwag tayong papabulag sa popularity at mga pre-mature political ads na naglipana. Matalino na tayo at mulat na alam natin kung sino ang ngayon pa lang ay pumoposisyon na sa posisyon kaya nila tayo kinokondisyon ng maaga. Sa mga hindi pa rehistrado sa 2010 election ay maaari pa kayong magparegister dahil sa boto ng bawat isa nakasalalay ang kinabukasan ng bansa.
No comments:
Post a Comment