Friday, April 24, 2009
No one is immune against AIDS
Easter Sunday April 12, 2009, GMA News and Public Affairs airs a documentary about the issues concerning AIDS and HIV in the society and most especially with the youth who are in the age from 20-29 na commonly victim ng sakit na ito. Sa show nilang World View Presents: Think Positive (hosted by Vicky Morales) ay binalikan nila kung alin ang myth at alin ang totoong symptoms at source ng sakit na ito. Kasama si Wanggo Gallaga, a model and writer na anak ng tanyag na director na si Peque Gallaga ay umamin siya noon na HIV positive siya last December 2008. Pero ayon sa kanya hindi naging hadlang ito para tumigil siya at hintayin na matapos ang buhay niya kundi ay patuloy pa rin siyang lumalaban
Myths and Facts
Before kilala natin ang sakit na ito na kung saan ang ilan sa mga OFW at mga sex workers ay biktima. Pero sa pagdaan ng panahon dahil na rin sa kapusukan na lifestyle ng kabataan ngayon ang kadalasang dahilan ng sakit na ito na kung saan they engaged with drugs and unsafe sex. At mayroon nang 3, 589 na patient na natalang may AIDS/HIV mula sa Department of Health Epidemiology report 2008 pero nangangamba ang DOH dahil maaaring hindi pa ito ang saktong numero ng maaari pa nilang maitala dahil may mga taong maaaring takot na umaming may sakit sila o maaaring hindi pa nila alam na positive sila sa HIV.
Pero ano ba ang AIDS o Acquired Immunodeficiency Syndrome, na hanggang ngayon ay mangmang pa rin ang iilan sa ating mga kababayan na kung saan ay naniniwala pa rin silang nakukuha o natratransfer ang HIV o Human Immunodeficiency Virus sa pamamagitan ng paggamit ng CR o sa pamamagitan ng pagpasa nito sa pamamagitan ng halik at saliva o laway. Ang sakit na ito ay karaniwang naipapasa sa pamamagitan ng hindi protektadong pakikipagtalik o unsafe sex, pagpasa ng dugo mula sa taong may sakit sa pamamagitan ng injection o ibang kagamitang ginagamit sa blood transfusion. At maaari ring maipasa ang sakit na ito sa pamamagitan ng proseso ng pagbubuntis o child birth na kung saan ang isang ina o isang amang may sakit ng AIDS ay maaaring maipasa ang sakit sa kanilang anak.
Pinapahina ng sakit na ito ang immune system ng isang taong apektado nito na kung saan ay nagiging madali siyang kapitan ng anumang sakit sa kadahilanang pinapahina ng sakit na ito ang depensa o anti bodies ng taong may AIDS. Pero matapos ang ilang taong pagsiyasat ng mga doctor sa ibang bansa ay maaari mapahaba pa ang buhay ng taong HIV Positive sa pamamagitang ng pag inom ng mga niresetang gamot, vitamins at tamang pahinga upang matulungan ang pangangatawan na labanan ang mga sakit na maaaring kumapit sa kanya.
Discr(eet)imination
Para sa bansang tulad ng Pilipinas na hindi pa gaano aware pagdating sa issue ng sakit na AIDS/HIV ay nakakaranas ng mga taong meron nito ng diskriminasyon sa lipunan mula sa karapatan nila bilang tao na maka-access ng trabaho, edukasyon, health assistance, at mismong karapatan nila sa lipunan. Kaya naman imbis na lumabas ang mga taong may sakit ng AIDS ay mas ninais na manahimik na lang dahil sa takot na makaranas ng discrimination dahil sa sakit nila. Pero ngayong mayroon nang batas na susuporta sa mga taong may AIDS/HIV na nasa ilalim ng Article VII, Section 42 ng Republic Act 8504 or The Philippine AIDS Prevention and
Control Act of 1998; sinasaad nito na ang sinumang mag discriminate ng mga taong may AIDS sa trabahol, paaralan, ospital, transportasyonm at iba pang karapatan nila bilang tao ay papatawan sila ng six (6) months to four (4) years na pagkakabilanggo at may multa na hindi lalagpas sa Ten thousand pesos (P10,000.00). at ito ay maaaring magdulot din ng pagkaka-cancel ng kanilang lisensya o permit kung sila ay paaralan, hospital o anumang establishment na siyang lumabag sa batas na ito.
Fight that never ends
Sa lumulobong bilang ng mga taong nagkakaroon ng sakit na ito ang tanging paalala lamang DOH at mga sangay nito gayon din ang mga NGOs ay maging responsible at huwag padalos dalos sa mga desisyon tulad ng pakikipagtalik na hindi protektado at ang pag-engage sa ipinagbabawal na gamot. Mula sa programang Think Positive at sinasabi na rin ng karamihan na simple lang para iwasan ang sakit na AIDS o maging HIV Positive as simple as the alphabet at iyon ay ABCDE (Abstinence, Be Faithful, Careful, Don’t share syringes or better Don’t do drugs, and Education). Maaari natin makalimutan ang letters na ito pero isa lang ang hindi natin dapat kalimutan at iyon ay ang bawat hakbang o bagay na ginagawa natin ay may kaakibat iyon na consequences at may responsibilidad tayong alamin kung tama ba ito o hindi.
No comments:
Post a Comment