Tuesday, October 7, 2008

Sila lang ba ang anak ng diyos?



Nakakabastos at hindi lang minsan itong nangyari kung paano maltratuhin ng mga banyagang media ang Pinoy ukol sa kanilang propesyon. Matapos nating kondenahin si Malu Fernandez noong binatikos niya ang mga Overseas Filipino Workers, at magprotesta labas sa ABC sa palabas nitong Desperate Houesewives noong ipinasok sa isang eksenang may panunutya sa mga kababayan nating mga doktor.

At ngayon isang birong hindi man lang nakakatawa kung paano ginawang katawa tawa ang isang Pinay Domestic Helper sa sitcom na Harry and Paul na kung saan inutusang sumayaw na malaswa ang Domestic Helper para aliwin ang isang bisita.

Namulat ako sa iba't ibang mukha ng entertainment, tawagin man akong sensitibong tao, pero sa usapang delikadesa, palasak ang mga banyaga pagdating sa damdaming Pinoy lalo na sa usaping trabaho at pamumuhay. Dahil hanggang ngayon talamak pa rin ang issue ng human rights violation pagdating sa mga kababayang OFW natin, nariyan ang racial descrimination na tuwirang ipinakita ng BBC sa palabas nilang Harry and Paul, human trafficking at napakarami pang di mabilang na pagyurak sa karapatang pangtao.

Salamat at nariyan si Congresswoman Pia Hontiveros na patuloy pa ring nakikipaglaban para sa karapatang pangtao habang ang ilang kongresista ay natutulog pa rin sa pansitan at nagpapataba ng mga bulsa at tiyan. Sana ito na ang huli, at kung hindi man magkaroon na nang matang tagapagbantay ang Department of Foreign Affairs sa mga banyagang hindi pa rin marunong rumespeto sa kapwa sa kabila ng pagkakaiba iba ng kulay ng balat at liping pinagmulan.





Subscribe to Email Blast

No comments:

Post a Comment

Twitter Delicious Facebook Digg Stumbleupon Favorites More

 
Design by Free WordPress Themes | Bloggerized by Lasantha Premium Blogger Themes | Best CD Rates | Seo Company | Seo Company Australia | Cheap Seo | Sports Live Stream | game cracks | Best Online Game | Download PC Games | List of Hobbies | Graffiti Styles